Chapter 2

86.7K 1.2K 13
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas ng makilala ko si Xavier lagi niya akong tinetxt kung anu ang ginawa niya at kung  nasaan siya at kung anu-anu pang bagay.


Hindi ko maintindihan bakit kailangan niya pang sabihin yun o magpaalam sa akin.

Nag simula lang naman to kinabukasan pagkatapos ng party ni Kesha.



Ang alam ko kinuha niya ang phone number ko kay Dein bukod doon sinusundo niya ako sa trabaho minsan kung naabutan niya akong nasa opisina pa.



Sunod- sunod na hakbang ang ginagawa ni Xavier na hindi usually ginagawa ng isang magkaibigan o nililigawan. Ni hindi ko nga alam na nililigawan niya ako dahil wala naman ito sa mga pinag usapan magin sa txt- txt namin ay hindi ito na babangit.

Nagiging weird lang talaga sa akin ang mga nangyayari.

Kaya nga minsan ang ginagawa ko tinatapos ko agad ang trabaho ko para di niya ako maabutan sa opisina  pero bukod doon ang nangyayari nakikita ko siya tuwing gabi sa labas ng apartment ko nakatayo at nakatingin sa bintana ng apartment ko  ang akala talaga ni Dein liniligawan ako ni Xavier na matigas kung tinanggi  good catch  daw si Xavier lahat ng hanap andon na pero bakit hindi ko yun makita?

Hindi ko nga ba makita dahil nagiging creepy siya sa akin.


Tiningnan ko ang cp ko at nakita kong may ilang message dun. 




I have a meeting this noon love.



I have a good news love
Nakuha ko ang deal. 



Kumain kana ba?


Are you busy?



Malapit na akong matapos sa mga paper works ko love.



Anong ginawa mo?  Siguro busy ka na naman.




Tapos na ako sa work ko love
Masusundo din kta.




On the way na ako love hintayin mo ako.



Nanlaki ang aking mata ng mabasa ko ang huling txt niya ilang minuto na ang nakalipas nang e txt niya to meaning malapit na siya agad kong inayus ang mga gamit ko at pinuntahan si Dein at sakto naman na papunta sya sa akin.

"tamang tama Dein sasama kaba sa amin ni Xavier? " tanong ko sa kanya.

"Saan ba ang punta niyo? Ikaw ha di mo pa inaamin na may something sa inyo ni Xavier" Tanong nito.

“Anong something?” Nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

“Something tipo na kayo na. Level up na kayo. Couple, partner , uyab ba.”

Uyab  sa imo nawong!”
(Girlfriend mo mukha mo)
“ Basta sumama ka nalang sa amin.”

“ Bakit ba?”


"wala naman, sumabay ka nalang sa akin umuwi para malibre ka sa  pamasahe wag ng tanong tanong maipit kapa sa traffic" sana pumayag siya ayaw kong makasama si Xavier ng nag iisa panalangin ko sa sarili ko.

"o sige na nga. " pag payag nito.



“Pansin ko lang lagi kang nagmamadali pag hapon. Ano bang problema?”  Tanong nito habang naglalakad kami.


My Psycho LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon