Chapter Nine

34.6K 1.3K 449
                                    


9: They meet again.
-

Erin’s POV

The moment I open my eyes nasa isang hindi pamilyar na kwarto na ako. Paano ako napunta rito? Ang huling natatandaan ko ay ‘yong may nagtakip sa akin ng panyo. Damn! They caught me off guard.

“You’re awake.” Agad akong napabangon nang mapagtanto ko na hindi lang ako ang tao rito sa kwarto. Hindi ko malaman kung anong reaksyon ang mayroon ako nang makita ko siya.

“I missed you, Erin.”

“Who are you? Bakit mo alam ang pangalan ko?” Ngumiti siya and at that exact moment, natigilan ako. I know that smile. I know that freaking smile!

“Ten?” Tumango siya at bigla ko na lang naramdaman ang pagtulo ng luha ko. I already knew it was him pero ayoko lang aminin sa sarili ko. Ilang taon na ang lumipas ng huli kaming magkita noong elementary pa kami. I’m the one to blame kung bakit hindi siya naka-graduate noon.

“Why are you here?” Tanong ko at saka siya lumapit sa akin para hawakan ang kamay ko.

“I really want to see you. Since that day, I know you’re blaming yourself for what happened but believe me, it’s my choice to do that. It’s my choice to protect you.” Pinunasan niya ang luha ko at saka siya ngumiti.

/Flashback/

One week bago ang graduation, I’m really excited to see the proud faces of my parents. Alam ko naman kasi sa sarili ko na since grade one at no’ng nasa Pilipinas pa kami ay puro sakit na ng ulo ang idinulot ko sa kanila dahil sa pagiging pasaway ko.

But now, I survived. I mean, naging behave ako sa school, hindi ako nakikipag-away at hindi ako na-drop or kickout and that’s all because of Ten. My one and only bestfriend. I really like and love him.

“Erin.” Lumapit siya sa akin pagtapos ng graduation practice. Sinalubong ko naman siya ng yakap.

“Are you excited?” Tanong ko at tumango lang siya. FilAm si Ten kaya madali kaming nagkasundo. Siya rin ang kauna-unahan kong kaibigan dito sa America.

“Let’s eat.” Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok ng canteen pero hindi namin inaasahan na ito ang bubungad sa amin. Riot.

“Let’s just eat later. Baka madamay tayo.” Sabi nya at nang akma na kaming aalis ay may bigla na lang humarang sa pinto. Mabilis akong naitago ni Ten sa likuran niya.

“No one can leave this room! Whose side are you on?!” Sigaw niya.

“What are you talking about? We’re just here to eat.” Sagot pa ni Ten habang mahigpit niyang hawak ang kamay ko.

“Don’t play dumb games with me, stupid! You’re trying to sneak out, don’t you?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumabas ako sa likod ni Ten.

“What are you doing?” Bulong niya.

“I’m going to knock the crap out of him.” Walang sabi sabi, mabilis kong ipinatama ang kamao ko sa mukha ng lalaking ‘yon pero hindi ko inaasahan na sa pagtumba niya ay bubungad sa amin ang Principal. Nagkatinginan lang kami ni Ten.

Lahat ng mga nakitang nasa canteen ay nauwi lahat sa Principal’s office. As much as I want to explain what really happened, hindi ko magawa dahil inako na ni Ten ang kasalanan. At dahil sa akin, hindi siya naka-graduate.

/End/

Masaya akong makita si Ten, pero hindi mawala sa isip ko kung nasaan kami.

“Where are we?”

Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon