Two

128 2 0
                                    

Minulat na ni Sam ang kanyang dalawang magagandang mata at kinamot. Nag-inat. Humikab pa. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa side table ng kanyang kama.

10 unread messages.

Binuksan niya ang mga ito. Mga group messages lang ng kanyang ibang kaibigan at ang isa ay kay Quintell na sabi "Sammy, punta ako jan mga 11 uh. :)" Di na niya ito nireplayan, binalik niya ang phone sa side table at tinignan ang kanyang alarm clock. 10:30 na. So, dali-dali siyang naligo dahil kahit bestfriend niya si Quintell ay nahihiya pa rin itong idikit niya ang kanyang sarili nang walang ligo. kinuha na niya ang kanyang towel at sinuot ang kanyang bath throbe.

Sa loob ng unit nila Sam, bago ka makadating sa CR ay pupunta ka muna sa kitchen area at makikita mo ang malaking bintana kung saan niya nakikita ang kabilang unit kung saan may natitipuhang binata na nakatira doon.

Napatigil siya sa tapat ng bintana sa kanilang kitchen upang makasilay sa katapat nilang unit. Inaasahang makita niya ang gwapong binata sa kabilang unit. Kaso hindi niya nakita. Kaya nabaling na ang kanyang paningin sa pinto. Inikot niya ang door knob ng pinto ng CR ngunit naka-lock.

"Naliligo pa ko Sam! Malapit na ko matapos...." sigaw ng ate niya sa loob.

"Ay, sorry sister! Sige." sabi ni Sam na nilapit ang kanyang bibig malapit sa pinto kaya umupo siya sa table na katabi ng kanilang stove. May napansin siyang parang gumalaw sa bintana kaya napatingin siya sa bintana, nakita niya ang binatang inaasam-asam niyang makita. Nakita niya ito, nakatayo malapit sa bintana, nakafitted shirt. Nagkatinginan sila. Ngumiti ang bintana sa kanya. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Sam, napahawak sa kanyang baththrobe at ngumit nang pabalik sa bintana. Tuloy pa rin ang kabog ng puso ni Sam.....

*pagbukas ng pinto ng CR*

Napalingon tuloy si Sam sa CR, napatulala sa paglabas ng kanyang ate sa loob. Hindi pa rin maka get over sa nangyaring pagngiti ng lalaki sa kanya.

"Okay ka lang, Sam? Tulala ka ah." sabi ng ate niya

"Ah.. Ahm, Uh, Wala! Wala! Kakagising ko lang kasi sis...."palusot ni Sam na sabay kusot sa kanyang mata. Bumaling ang paningin niya sa muli sa bintana... ngunit wala na ang binata.

Ayy, nawala na siya... Iihh, kainis, ganda na ng moment oh. Pfsh. Sambit ni Sam sa kanyang isip, at tumayo na mula sa pag-upo sa table at pumasok na ng CR upang maligo. Ngunit ang hindi alam ni Sam ay bago siya makapasok ng Cr ay sumilip pa muli ang binata sa bintana.

"SAMMY!" sigaw ni Quintell sa labas ng pinto ng unit nila Sam.

"Hey, Quintyyy!" sambit ni Sam habang palapit sa pinto upang pagbuksan si Quintell

"Uy, Quinty, may gwapong guy dito.. katapat namin ng unit. Gwapings, I SWEAR!" dagdag pa ni Sam

"Talaga?? Anjan pa ba siya?" pagmangha ni Quintell sa sinabi ni Sam sa kanya at lumapit sa bintana ng kanilang kitchen at sumilip.

"Ewan ko kung andiyan pa siya..."

"Ay, gusto ko siyang makita!" sigaw ni Quintell na waring kinikilig.

Lumabas ang ate ni Sam sa isang bedroom at nakapang-alis ito. Papasok ng school. "Uy Quintell, andiyan ka pala!"

"Hi ate Jen! Pasok ka na?" tanong ni Quintell kay Jen at umupo sa sofa binuksan ang t.v. Feeling at home na si Quintell sa bahay nila dahil lagi siyang nandoon.

"Oo, papasok na ko. Bili na lang kayo ng lunch niyo ah." sabi ni Jen kay Quintell pati na rin kay Sam.

"Ah cge ate, Ingat! Bye!" tugon ni Sam sa kanyang ate at tuluyan na itong niliban ang bahay.

Gumawa na sila ng project at natapos na nila ito kaagad kahit nag chichikahan ang mga ito.

"12:30 na! Tara kain na tayo Sammy!" anyaya ni Quintell kay Sam habang nililigpit nila ang kanilang mga kalat at mga materials na ginamit nila sa pag gawa ng project.

"Oh, tara! GORA!" sigaw ni Sam. Natapos sila sa pagligpit ng mga kalat, tumayo si Quintell at sumilip muli sa bintana sa may kitchen. "Sammy, nasan na yung guy na tinutukoy mo! Naeexcite na ako ah!"

"Nako Quintell, mag hintay ka na lang. Makikita din natin siya. Diyan lang naman siya nakatira eh." sambit ni Sam. "Tara, Let's have our lunch!"

"tara!"

Luamabas na sila ng unit. Luamakad na sila papuntang elevator. Nanlaki ang mga mata ni Sam nang makita niya ang di niya inaasahang makikita sa tapat ng elevator na nagihihintay din.

"Sammy, tignan mo yung guy na naghihintay sa elevator oh, ang gwapo!" bulong ni Quintell kay Sam.

"Siya yung guy na mine-mention ko!" tulalang sambit ni Sam

"What??!" napasigaw si Quintell at dahil sa sigaw niya ay narinig ito ng binata at napatingin sa kanilang dalawa.

"Ssh! Ingay mo!"

"Haha! Sorry naman!"

Napatingin muli si Sam sa binata at ngumiti muli ang binata sa kanya at pasimple naman itong gumanti ng ngiti at ang akala ni Quintell ay sakanya ngumiti ang binata kaya kinausap niya ang binata.

"Hi!" bungad ni Quintell sa binata

"Uhm, hi!" sagot ng binata at nagbukas na ang elevator at sumakay na silang tatlo sa loob

"Sooo, ano name mo?" sunod na tanong ni Quintell

"Ahm, Harry is my name. How 'bout you?"

"Quintell! Quintell is my name." nakikipag kamay sa binata

"Ah. I see." nakipag-shake hands kay Quintell at tumingin kay Sam na nanahimik lang sa gilid

"Ahm, This is Sam, my bestfriend."

"Oh, Hi Sam!"nakikipag kamay kay Sam

"U-uh, Uhm, Hi!" hiyang-hiyang sabi ni Sam sa kanya at napakalakas ng kabog ng dibdib at nakipagkamay din

"So you're living here?" singit na tanong ni Quintell

"Uh, yes. I think you're living with her *tinuturo si Sam*"

"Ahm, No! She's the only one who lives there aside from her sister, Im just visiting her"

"Ah..." sabi ng binata at tumingin pa rin kay Sam na nananahimik sa gilid at bumukas na ang pinto ng elevator

"So, bye now!" pamamaalam ni Quintell

"U-uh, Bye! And bye S-Sam!" pahabol ni Harry

"Ok. bye Harry. Be safe...." sabi ni Sam pero wala nang halong hiya

Nagkawalay na sila. Pumunta na sina Quintell at Sam sa malapit na fast food chain at kumain ng lunch. Habang kumakain sila ay si harry pa rin ang bukambibig ni Quintell.

"Gosh, Sammy, Ang gwapo niya talaga! Sa inyo na lang ako titira! Ha ha ha!"

"ha ha! baliw! you're crazy!"

"Hahaha! Sana makita ulit natin siya, hihingi ko phone number"

"Huh? Nagpapakita ka na ng motibo agad?"

"ha ha! nako, ganyan ako! parang di mo na ako kilala ah"

"Ha ha ha! Ok Ok!"

Its Through Our Voices (Summer with Harry & Niall - Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon