Chapter 3

330 14 16
                                    

she's a bit demanding. hehehe. she actually asks for 2 updates. pero ito lang ang nagawa ko. :(( hope ya'll like it .. :)

Chapter 3: His Pocket

Habang nakaupo sa isa sa mga benches sa quadrangle ng school. Iniisip ko pa din yung nangyari last week.

Bakit siya nag sorry? Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit.

Isang linggo na matapos yung pangyayaring yun sa rooftop. Hindi na kami nag-usap matapos yun.

Wala din sa mga kaibigan ko nakaka-alam sa nangyari. Nahihiya ako sa ginawa ko. >.< Ang bilis ko kasi bumigay sa kanya. Haaaay.

“Ahmm. Miss?”

Pag-angat ko ng mukha ko, may isang lalaki na nasa harap ko.

Inayos ko yung salamin ko para makita ko ng mas maigi kung sino siya.

Chinito. Matangos na ilong. Manipis na labi. Tsaka makinis na kutis. Mmmm.

“yes?” tanong ko.

Ngumiti siya *beautiful set of teeth I notice.* tapos humawak sa batok niya.

“Medyo naliligaw kasi ako eh. Pwede magtanong kung saan yung guidance office?”

Transferee? Pero 1 week na nakakalipas since nagstart ang class ah. Tsaka bakit guidance agad? Tss. Pasaway siguro to.

“Second floor ng building na yun. Yung gitnang room.” Tinuro ko yung old building.

Ngumiti ulit siya. “Salamat. Ako nga pala si Lyndon.” Tapos inabot niya yung kamay niya sa’kin.

I smiled and take his hand. “Nice to meet you Lyndon.” Sagot ko, tapos bumitaw na ko sa pagkakahawak ng mga kamay namin.

“Wala pa akong kakilala sa school na ‘to. Mind sharing your name?”

“Beatrice.”

Ngumiti ulit siya. “See you later Beatrice.”

Tapos umalis na.

“Batsy!! Sino yung kausap mo ha?!” tanong ni Mika. Isa sa mga kaibigan ko. Apat lang kami sa barkadahan.

Ako. Si Mika. Si Ayen. Tsaka si Molly.

“Lyndon. Transferee.” Sagot ko.

“Transferee lang ba talaga?” tanong niya tapos sabay upo sa tabi ko.

“Ha?” tanong ko habang nakakunot ang noo. “Oo transferee.”

Tapos ngumiti siya ng pilya.

“Napaka-malisyosa mo talagang babae ka.”

Sabay namang dumating sina Molly at si Ayen.

“Ui. Si Batsy may ka-holding hands kanina. Nakita ko.” Sumbong niya sa dalawa.

“Hoy! Holding hands ka diyan!” saway ko kay Mika.

Tumabi naman sa kabilang side ko si Molly. Si Ayen naman nakatayo sa harap ko. Oh no. Nacorner na naman nila akong tatlo.

“Sino yun ah.” –Ayen

“Lyndon. Transferee. At hindi kami magkaholding hands. Tss. Itong si Mika. Siraulo ka talaga.”

“Ieww! Nakipag-shakehands ka sa lalaking di mo kilala? Tss. Tss.” tanong ni Molly.

“Oo nga! Tsaka bakit ka namumula?!” -MIka

“Eh kasi. Nakakahiya naman dun sa tao. Nagpakilala lang. tapos kung anu-ano na iniisip niyo. Grabe lang kayong tatlo talaga.”

“Hehehe. Kaya nga tayo magkakaibigang apat eh. :))” –Mika

Simply Complicated [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon