Hatid - A short Tagalog story

1.1K 6 3
                                    

Ginabi nanaman ako ng uwi. Nakakalibang nga naman kasing maglaro ng LoL sa computer shop. Hindi ko tuloy napansin ang oras. Dito sa amin, delikadong maglakad sa gabi. Buti nalang, nandyan si Aaron para ihatid ako pauwi sa amin. Naabala ko pa tuloy siya, nainis kaya siya sa kapalpakan ko?

"Bakit ba kasi hindi normal 'tong girlfriend ko!" bigla niyang sinabi.

Girlfriend? Wala naman siyang girlfriend ah. Sumulyap ako ng tingin sa kanya, mali pala yung ginawa ko. Sa pasimple kong tingin, nakita ko nanaman yung napakaganda niyang mga mata. Hindi naman siya kagwapuhan, pero crush na crush ko talaga siya.

"Girlfriend? Sira ka ba, eh wala ka namang girlfriend ah!"
"Ikaw kasi yung tinutukoy ko di'ba?"

Nagulat ako. Papalag na sana ako pero bago pa ako makasalita, pinigilan na niya ako. 

"Joke lang! Eto naman, di mabiro." paliwanag niya.
"Eh alam mo namang wala akong panahon sa mga ganyan!" palag ko naman.

Madilim na, at malamig ang gabi. Habang naglalakad kami nang tahimik, napansin kong nakatitig siya sa akin. Mabuti na lamang at gabi na, hindi na niya mapapansin ang namumula kong mga pisngi. Yun nga lang, di ko mapigil ngumiti.

"Zoe."
"Oh bakit?"

"Ikaw ba, bakit wala ka pang boyfriend?"

 Hindi ako nakapagsalita agad. Bakit nga ba? Siguro kasi, wala naman talagang nagbalak na manligaw sa akin. Kung meron man, hindi ko naman gusto! Eh bakit ko pa paaasahin kung ako mismo eh hindi interesado? 

"Minsan, naiisip ko rin kung bakit e." sagot ko naman.

Tumigil na kami sa paglalakad. Nakauwi rin, sa wakas. Humarap siya sa akin at pagkatapos ay ngumiti. Nangiti na rin ako. Umihip ang malamig na hangin, at amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Hindi ko alam kung bakit, pero bumilis ang tibok ng puso ko.

"Wag ka na magpapagabi ulit ha." bilin niya.
"Ha? Eh kaya ko ba? Alam mo naman ako. Di ka na nasanay." sagot ko naman.
"Ongae. Basta, papahatid ka lagi sakin."
"Oo naman! Para namang magbabago yun. Eh gustung-gusto kong ginugulo ka e."
" Ako, masaya ako pag kasama kita e." bigla niyang sinabi.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ang tagal siguro naming nakatayo lang at nagtitinginan. Di ko na napansin kung gaano katagal, pero habang nakatitig ako sa kanyang mga mata, hiling ko eh sana hindi na muna matapos yung araw na ito.

"Sige. Mauuna na ako." sinabi nalang niya.
"Oo. Sige na." ang nasabi ko.

 Tumalikod ako. Napangiti nalang ako, at hindi ko matiis na lumingon palikod. Sa aking paglingon ay kasabay ang paglingon din ni Aaron. Natawa nalang kami bigla, parang nagkaintindihan sa tingin. Naisip ko, bakit hindi ko pa subukan kung may pag-asa ba ako sa kanya? Wala namang mawawala e. Sige nga, subukan natin.

"Salamat ha. Ingat ka sa pag-uwi!" sambit ko, sabay kaway.
"Wala yun! Basta ikaw, malakas ka sa akin eh." sagot niya. 

Pinagmasdan ko siyang maglakad papalayo. Alam kong napakasimple lang ng mga sinasabi niya, pero para sa akin, ang laki na ng epekto. Bakit kaya? Eto ba yung tinatawag nilang pagmamahal

Hatid - A short Tagalog storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon