Seventh Move

612 25 0
                                    

#C07: It all starts here

Kinaumagahan ay nagpapahatid sa akin si mama sa palengke para mamili ng ingredients. Ginawa ko nga at para na rin mabisita si Honey.

Kailangan magkaayos kami. Nadala lang kaming dalawa sa galit. Hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na yun. Hindi tama na tatapusin namin ang lahat dahil lang sa nakita ko siyang may kasamang ibang lalake.

I admit that I'm a bit possessive but that's how I am. Hindi ko kayang makita si Honey na may kasama na iba other than me.

"Dito na anak. Saan ka nga pala pupunta?" tanong ni mama habang pababa na ng kotse.

"Sa kanila Honey po. Aayusin ko lang po yung away namin." Binigyan ako ni mama ng magaan na ngiti.

"Sige. Imbitahan mo na rin siya na kumain sa bahay mamayang dinner. Mag-iingat ka, ha?"

"Yes ma." Humalik pa ako sa pisngi niya bago siya tuluyang umalis.

Hindi ako masokista. Hindi ko pa rin matanggap na nililigawan na si Honey ng ibang lalake. Ang isipin pa lang ay nakakapangselos na, paano pa kaya kung nakita ko ng harapan? Pero hindi ako susuko... ayokong sumuko. Kaya pa namin 'tong ayusin. So he could kick that guy out of her life!

Nagsimula na akong magdrive papunta sa bahay nila Honey. Kabado ako sa buong pagmamaneho ko. Hinahanda ko na rin yung mga sasabihin ko sa kanya kapag nakita ko siya.

Is she still mad at me? Nagsisisi na talaga ako sa mga nabitiwan kong salita sa kanya. I am willing to bring down my pride just for her because I know it's worth it. Mali naman talaga na bigla ko siyang inakusa na niloloko niya ako. She's on top of that... she's never like that.

"I hope she can forgive me..."

Nakarating na ako sa tapat ng kanilang bahay. I stopped the engine of my car and took a deep breath before getting out. I can do this."

Kaya mo 'to. You just have to be sincere with what you'll say. I hope she'll understand... sana hindi niya ako ipagtabuyan. Andaming what if's na pumapasok sa isip ko but I set it aside.

Andito na ako. It's now or never.

Pinindot ko ang doorbell ng gate nila at naghintay ng ilang sandali bago magbukas. Sinalubong ako ng isa sa mga maid nila.

"Nandyan po ba si Honey?"

"Sir! Ikaw pala yan. Opo, nasa loob siya. Pasok po kayo." Kaagad naman akong tumalima at pumasok.

They're house was pretty huge just like ours. It was like a white mansion. Ang lawak din ng front lawn nila.

Binuksan niya ang front door at bumulaga sa akin ang living room nila. Kahit na ilang beses na akong nakapunta rito ay namamangha pa rin ako. Sobrang ganda ng interior design ng bahay nila. I wouldn't say na hindi maganda yung sa amin. Nasanay na ako sa interior ng bahay namin so seeing another house was astonishing.

"Nasa greenhouse po si ma'am. Puntahan niyo na lang po." Nagpasalamat ako sa maid at dumiretso sa greenhouse nila. Nasa likod iyon ng bahay na ito.

Sobrang tahimik ng bahay nila... It feels empty. Probably because her mom and dad are always busy with their business. Nag-iisang anak lamang si Honey. Nangungulila siya ng pagmamahal kaya ganun na lamang niya pag-igihan at perpektuhin ang lahat. She is a very brave lady. That's why I fell in love with her.

Binuksan ko ang pintuan ng greenhouse. It was a very flowery place. Punong-puno ng iba't-ibang halaman at mga bulaklak. It was beautiful to see. Then I saw her currently bathing the flowers with water.

I stared upon seeing her. Mukhang relax na relax siya. Nakangiti pa nga siya habang nagdidilig. This place is a haven after all.

Siguro naramdaman niyang may nakatitig sa kanya dahilan para iangat niya ang tingin sa bulaklak at nakita ako. Nagulat siya nung una pero 'di kalaunan ay ngumiti sa akin. I took that as a chance to go near her.

OPERATION: Make Ligaw to himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon