MH/B :5

2.6K 24 1
                                    

*****


Tanya's POV



Pinapasok ko ang lalaking hindi ko kilala sa bahay namin. Nakaupo siya sa sofa namin at nagmamasid masid. Nasa kusina ako at nagtitimpla ng juice. Binuksan ko ang ref para kumuha ng asukal pero napansin ko ang betsin sa tabi ng ref. Nilingon ko yung lalaki sa labas bago ko ininalik ang tingin sa betsin. Unti-unti kong ginalaw ang kamay ko para kunin yung betsin. Kaso...



Rick's POV


Maganda pala talaga ang bahay ng Ninong ni Ian. Kitang kita ang karangyaan mapalamuti palang at laki ng bahay.


Napalingon ako sa paglapit niya sa akin dala dala ang juice. Ipinatong niya sa lamesa at naupo sa upuang kaharapan ko.


"Nakakauhaw ring mag-intay sa labas kaya hindi na ako mahihiyang inumin to." Sabay kuha ko ng juice.


Tiningnan ko muna siya bago yung juice. " Siguro naman, wala kang balak patayin ako." Sabi ko at napa-angat naman siya ng ulo.



" Hindi ko magagawa yun...kahit na.. masama ang ginawa niyo sa akin..hindi ko kayang pumatay ng tao!" Sabi niya.


Mukha naman ngang hindi nya magagawa yun. Kaya ininom ko na yung juice at napabuga ako.




"Pwe! Anong pagkakatamis neto! Hindi mo nga ako papatayin, magkakadiabetes naman ako!" Sabay lapag ko ng malakas ng baso sa lamesa.



" Pasalamat ka nga pinagtimpla pa kita! Kulang nalang betsin ang ilagay ko jan ng magkakonsensya ka naman dahil sa ginawa nyo sakin!" Galit na galit niyang sabi sa akin.



(Asar)" Hoy babae ka! Pasalamat ka pa nga at hindi ka ginalaw ng Ian na yun at pinaubaya ka na sa besfriend mong gago! " Sigaw ko.



Pareho kaming nanlilisik ang matang nakatingin sa isa't isa tsk! Inalis ko na ang tingin ko sa kanya. Nakakaimbyerno ang babaeng ito.



"Hindi para makipagtitigan ang ipinunta ko rito. " Mahinahon kong sabi.


" Ano bang kailangan mo at binablockmail mo pa ako?!" Sigaw niya kaya tiningnan ko siya ng masama kaya napayuko siya.



" Well, pahingi munang tubig." Utos ko.



" Manghihingi ka lang pala ng tubig bat hindi pa kanina, pinagtimpla mo pa ako ng juice. Bwisit." Sabay tayo niya at naglakad pakusina.



Nilingon ko siya sa likuran ko.

"Pinagtitimpla ba kita? Kasalanan ko bang hindi ka marunong magtanong!" Tumigil naman siya at humarap sa akin.



" Gusto mo ng tubig o ano?!" Galit na galit niyang sabi at kita kong inis na inis na siya. Manununtok na ang mga kamay niya.



Napalunok muna ako. "Ahm..." Nag-ayos muna ako ng lalamunan ko bago tumango sa kanya. Inirapan niya ako sabay talikod at nagsimula na ulit maglakad paloob sa kusina.




Luh? Bakit ba natatakot ako sa babaeng ito? Agh! Nawala na sa isip ko ang plano ko. Lintek na babae to, humanda siya!



Tanya's POV


Gago nun! Nakakainis. Siya pa ang may ganang magalit at mang-utos. Kumuha ako ng isang litro ng tubig at bumalik na dun sa salas kung nasan siya.




"Huh?" Bigla kasi siyang nawala dun.




"Hoy! Eto na tubig mo!" Sigaw ko pero mukhang wala na siya dito. Buti naman.




"Iha." Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.





"Manang buti nandito na kayo." Sabay takbo ko sa kanya kaso napatigil ako.



"Iho, pakidala nalang dun sa kusina." Utos ni Manang at nagtuloy tuloy siyang naglakad papuntang kusina.





Dinaanan niya muna ako at may binulong sa akin.








" Humanda ka sakin makikita mo. Kasalanan mo to." Sabay lampas niya sa akin.






Ano...bang...ginawa ko?




*****


Dahil nahulaan niya kung sino yung guy..sa kanya ang dedic :))

Mwemwe~ walang BS sa part na ito. Wait nalang sa mga nang-iinit na gusto ng mga BS ok?



4 votes

Story 4: My Husband/BestfriendWhere stories live. Discover now