The Facebook Chat Continues

286 9 1
                                    

"Aileen?" Paul.

Hindi ko alam kung bakit ka pa nag p-PM eh. Pagkatapos ng ginawa ko sa'yo, nakuha mo parin akong kausapin.

"Po?" Aileen.

Alam mo yung feeling na, 'di kita matiis kasi nga mahal na kita Paul Reyes?  Iba ka sa lahat ng naging crush ko. 'di ko alam kung bakit. Basta feel ko, mahal na talaga kita.

"Sorry" Paul.

"Ha? Bakit?" Aileen.

Bakit ka nagso-sorry Paul? Ano 'tong nararamdaman ko? Diyos ko Lord! Iba 'to. What's this?

"Uhm.. wala-wala. Magkita na lang tayo sa hall bukas, 2pm." Paul.

"Subukan ko po." Aileen.

Tuwing na bo-broken hearted ako, gusto ko maransan nila yung sakit ng paasahin. Sinabi ko na rin naman, edi hindi ako pupunta. Paul, gusto kitang kalimutan. Alam kong 'di mo kasalanang masakatan ako ngunit pag ito'y aking ipinagpatuloy, baka masaktan ako ng labis-labis.

Kinabukasan sa Hall, 2:01pm.

Siguro naman walan na siya dito. Pero laking gulat ko, andun parin siya. Nak ng tokwa naman Oo, oh! Jusko Lord! Ilang beses ko ba sasabihin sa’yo Paul, ‘wag mo akong papakiligin lalo na’t nag mo-move on na ako. Nubey! May pa-flowers ka pa diyan oh. :”>

“Oy Ailengs! Kala ko ba, ‘di mo na siya bet?” Yumi.

“Oy ‘di uhh, ay este Oo naman!”

“O kita mo, kinikilig parin ‘tong baklang ‘to oh! Sagad sa buto. Tsk! Tignan mo, hanggang likod ang smile oh! Ayaw mo naman mag smile diba?” Yumi.

Pero sa kabila ng tawa k okay Yum, may dumating na Epal at si Anne iyon kasama ng mga kaibigan niya. Pero eto Malupet! Lapitan ba si Paul? Hindi ko man marinig pinag-uusapan nila pero nakakabwiset talaga eh. Maka-aura nga nga!

“Bakla waits! Tignan mo ‘yun oh!” Yumi.

Oh shizz! Ibinigay ni Paul yung flowers kay Anne. </3 Ano ‘yun? Paul ansakit, grabe!  Ibigay mo na sa iba, ‘wag lang sa kaibigan ko, Ok? Kasi Paul, Ang SAKIT eh.  Grabe ha, Aray ha!

Nagmukha pa akong ewan dahil sa pag-iyak ko. Ayoko naman Makita ako ng ibang tao na umiiyak kaya mas minabuti ko na tumakbo na lang sa kawalan. Pero sa sobrang emosyonal ako, nadapa pa ako. Mygadd naman oh, masyado naman ako agaw pansin. Eksema ko ah.

At sa pagkadapa kung ‘yun. Nakita ako ni Paul at lumapit siya sa akin at tinanong niya kung Ok lang daw ba ako?

“Sa tingin mo Ok lang ako?” Aileen.

Grabe ha, na broken hearted na nga ako, nadapa na ako tapos tatanungin mo ako kung Ok lang ako? Ikaw, ok ka lang ba? ‘di man lang ako nakapagready sa mga pangyayare. Tsk!

5:30 sa Field. Nagbubuhos ako ng sama ng loob sa mga kaibigan ko. Hindi ko mapigil yung feeling na ‘to eh. Pero habang nagbubuhos ako, si Cleo ang kaibigan kong techi nakuha pa mag-facebook.

“She doesn’t know my real feelings for her.” Binabasa ni Cleo yung status ni Paul.

“Uy, sinong “she” ‘yan abear teaddy ber?” Yumi.

Hindi na ako umimik. Baka si Anne lang ang tinitukoy niya diyan. Ayokong mag assume, baka masaktan pa ulit ako ng sobra. Habang naglalakad kami nakasalubong naming si Anne together with her friends. At hawak ni Anne yung mga flowers na bigay ni Paul.

“Langya kang bakla ka! Inagaw mo si Paul kay Aileen! Anong klase kang kaibigan? Hmpf! Kaibigan ka nga ba talaga?” Yumi.

“Yumeeeeeeeeeeeeeeei! Tama na! Anne, ayaw naming ng away. Aalis na kami.” Aileen.

“Nubeyen Lengs, andun na eh. Moment ko na siyang gerahin yung Dinosaur na ‘yun eh. Ambait mo kasi masyado eh.” Ayaw paawat ni Yumi.

Pero nagulat ako kay Anne, hinabol niya ako’t linagay sa kamay ko yung bulaklak.

“OMG! What’s the meaning of this?” Segway ni Yumi.

“Bakit Anne?” Aileen.

“Because I do not deserve this. Aileen, sorry! ‘yang mga bulaklak na ‘yan para sa’yo talaga ‘yan! Pinilit ko lang naman si Paul na ibigay ‘yan sa’kin dahil gusto ko na siya eh. Oo, gusto ko siya. Sorry, Aileen! ‘di ko dapat ginawa ‘yun. Patawarin mo sana ako, Aileen.” Anne.

Tinanggap ko ‘yung bulaklak at niyakap ko siya. Naramdaman ko yung mga luha niya sa aking mga balikat.

“Ay sows! Melodramatic much? Sali nga kami!”  Yumi.

“Group Hug!” Sigaw ni Lexi, kaibigan ni Anne.

Dumaan yung kaibigan ni Paul, si Andrew.

“Aileen, nakita mo ba si Paul?” Andrew..

“Huh? Hindi po eh.” Aileen.

“Hindi kasi siya sumabay eh. ‘di bale na nga. Oh, nasa’yo na yung flowers?”

OMG. Bakit kaya?

“Uhm, opo! Ibinigay nap o ni Anne.” Aileen.

Lumapit si Andrew at hinawak-hawakan ang mga bulaklak. Nag e-emote si Andrew habang ginagawa niya iyon, bumabanat din siya ng pick-up lines.

“Rosas ka ba?” Andrew.

“Hindi eh.” Umepal si Yumi.

“Che! Rosas ka ba?” Andrew.

“Bakit?” Aileen.

“Kasi hanada akong alisin ang tinik nito para gumanda lalo. Para bang, kayak o alisin ang lahat ng mga balakid malaman mo lang ang tunay na nararamdaman ko para sa’yo.” Andrew.

“Boom! Lalim nun dude!” Yumi.

Pero natamaan ako sa pick-up ni kuya Andrew. Hindi dapat ako sumuko agad. Hindi lahat ng oras nagpaparaya ako. Kailangan ko rin lumaban. Kaya, kailangan ko siya Makita dahil brave ako. Brave ako kasi aamin na ako!

Dali-dali akong tumakbo papuntang gate. Lubus din ang pagsasalamat k okay Kuya Andrew! Grabe Lord! Salamat sa Blessings! Antaray much eh!

“Manong guard! Si Paul ho?” Aileen.

“Ay ayun oh, tatawid na.” Manong guard.

Pero nung pagkatingin ko kay Paul, bigla naman siyang nabundol na isang kotse.

To be continued. =)

Facebook ChatWhere stories live. Discover now