Isang Linggong Pag-Ibig(Tula)

272 3 0
                                    

(Una sa lahat ay hindi po ito kanta. Ito po ay ang aking unang tula dito sa wattpad. Ito po ay dinededicate ko sa Idol ko na sa Mimi Bernal oh mas kilala sa tawag na mimhytot na nagsulat ng sikat na sikat na  LET ME BE THE ONE. Out na po sa mga bookstores ang libro nya, bili na po kayo at di kayo magsisisi. Salamat sa kanya, naiinspire akong magsulat. Yun lang . Labyu Ms. Mimi at sa mga kapwa kong stars nya :)

________________________________________________________________________

Lunes, nang ako ay iyong nakita

Kinuha mo ang aking numero

Di yata ay na lab at pers sayt ka

Binigay ko naman, gwapo ka eh papakipot pa ba?

Martes, may nagtext ng “goodmorning ganda”

Agad akong nagreply ng “Who You Sino ka?”

“Ako yung kumuha ng number mo”

Ah ikaw pala

Kumustahan agad, kahit kahapon lang tayo nagkita

At dun na nga nagsimula ang ating istorya

Miyerkules, nang sa Facebook akoy iyong ni add

Aarte pa ba? Syempre inaccept ko agad

Kailangan ko rin sulitin ang Free Facebook hanggang January 25

At tayo ngay nagumpisa ng magchat at video chat

Huwebes, nang sa akin ikay nagtapat

Sabi mo mahal mo ako, at ikaw ay tapat

Napatulala ako , hindi ako makareact agad

May ganun bang pag ibig? Agad agad?

Ngunit dahil sa kasweetan mo, kilig ay sumagad

Sagad sa buto, nadamay ang puso,nawala utak ko

At yun nga, bigla akong napa OO

Biyernes, nang tayo ay magpunta ng park

Tayo na e, dinate mo ako kahit mukha akong haggard

Ang gentleman mo pa, kaya minahal kita agad

Walang nangyari no, asa kayo, dalagang pilipina pa rin ito.

Excited Much?

Sabado, sobrang saya ko

Sa sobrang saya ko ay nagselfie agad ako

Inupload sa Facebook at naghashtag ng ganito

#Feeling Loved with my labidabs

Ngunit ito rin pala ang araw na magiging sawi ako

Tumawag sa akin ang asawa mo. Uo asawa mo!

Wag daw kitang landiin. Ang kapal mo gago!

Batang ama ka pala at tatlo na ang anak mo

Ang sakit! F*ck You! Iiyak ko na lang to T__T

Linggo, sakto makikimisa ako

Panigurado, alam mo na ang idadasal ko

 -the end-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Linggong Pag-Ibig(Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon