10

4.6K 74 9
                                    

Yanna POV.

Kanina pa nandito si Van at nilalaro yung mga anak namin, kanina pa rin sya nagpapapansin sa akin pero hindi ko sya kinakausap, Trip ko lang bang magtampo tampuhan sa kanya xD Pero sa totoo lang miss na miss ko na tong lalaki na to.

Nakaupo lang ako dito sa sala at nanonood nang tv pero parang wala naman doon yung atensyon ko dahil rinig na rinig ko yung tawanan nang mag aama ko, kunyari hindi ko sila tinitignan pero kanina pa talaga ako tingin nang tingin sa kanila, Si Van kasi kung titignan mo parang napakaseryosong tao nyan pero pag kami na ang kasama lalo na yung mga anak ko doon mo makikita yung ibang ugali nya na palatawa tska sobrang kulit.

Biglang tumunog yung phone ko kaya agad kong kinuha yun, napansin ko din ang pagtingin sa akin ni Van pero agad din namang nabaling yung atensyon nya sa mga anak namin. Napakibit balikat nalang ako sa nakita kong reaksyon ni Van pagtingin nya sa akin, siguro gusto nitong tanungin kung sino yung tumatawag kaya lang alam nyang inis parin ako sa kanya kaya hindi nalang nagsalita.

Tumayo ako sa sala tska umakyat sa taas, sa kwarto para medyo tahimik , masyado kasing maiingay yung magaama ko kaya baka mintras na boses ko yung marinig eh yung sigawan tska tawanan nila >.<

" Maru bakit ka napatawag may problema ba?" naririnig ko pa yung pagtunong nang mga kaldero ata yun kaya malamang nasa trabaho nya to.

"Best wala naman * napangiwi ako nung narinig ko syang nagsalita, hindi pa kasi ako sanay na ganito yung boses nya *May itatanong lang ako sayo"

"Ano?"

"Sila Cyrus tska si Kesha alam mo nabang nandito na sila??" ahh yun lang ba..

"Oo alam kunang nandito si Cyrus, nakausap ko sa phone yun tapos si Ate tumawag din sakin yun pero hindi ko pa sila nakikita eh, Teka nga bakit mo natanong?"

"Ang daya nang mga yun, kung di ko pa sila nakita sa restaurant hindi ko pa malalaman na nandito sila" parang may pagtatampo sa boses nito, natawa naman ako ng mahina.

"Baka isusurprise ka nila ahaha."

"Sila ang nasurprise tss"

"You mean alam na nila???"

"Oo, nung araw na nakita ko sila , inamin ko na din. Mabuti nang wala na akong pagtataguan." napatango tango naman ako, sabagay mas mabuti nang alam na nang lahat.

"Pero Teka nga maru, magkasama si ate at cyrus na pumunta dyan sa restaurant mo? paano??"

"Aish ewan! nagdala pa sila nang asungot dito na akala mo hindi babae eh"

"Ohh chill. nagiging bakla na naman yang bunganga mo sa bilis mong magsalita eh, bakit sino ba yang babae na yan? Girlfriend ni Cyrus??"

"NO."

"Eh? sino?"

"Babaeng Lukaret."

"Babaeng Lukaret????"

"Basta! wag mo nang itanong at umiinit na naman yung ulo ko sa babaeng yun" mukha ngang badtrip sya hahaha. Dahil mabait akong bestfriend eh titigilan ko na sya.. Pero joke lang ^^

"Sino nga? bakit ka ba galit na galit doon?"

"Pinicturan ako!"

[Under Revision] My Pervert fiance 2 : VANYAN Married lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon