PANGARAP LANG KITA 2: Istorya ng isang Tumblr Blogger

343 2 0
                                    

May iba’t-ibang personalidad ang tao. Maging sa internet man ito o hindi, iba’-ibang personalidad ang ipinapakita nito. At minsan, sa likod ng mga bawat sitwasyon, may itinatago tayo na ayaw nating ilabas sa mga taong nakakasalamuha natin.

Ako si Rich. Richard Keith Aquino. Isa akong 2nd year Development Communication student. Iskolar ng Bayan. At isang Tumblr Blogger.

Marami na akong naging girlfriend…………………………

sa internet.

Oo. Wala pa akong naging girlfriend sa personal. Lahat ng naging girlfriend ko, nakilala ko lang sa internet. At wala akong sineryoso sa kanila. At ang tanging pag-uusap lang namin ay Yahoo Messenger o di kaya sa FB Chat. Ganyan ako dumiskarte sa babae. At lahat sila, iniwan ako.

Tama. Sila ang nang-iwan sa akin. Sa kadahilanang, mas nakahanap sila ng gwapo. Ganyan naman sa mundo ng cyberworld eh. Karamihan, walang seryosohan.

Pero nag-iba yun simula nung nag-umpisa ako maging blogger sa Tumblr. Iba kasi sa Tumblr eh, parang dun mo naipapalabas lahat ng emosyon mo. At kung mag-post ka man ng blog, walang makikialam sayo. Mas lalong pa akong na-inspire simula nung nakilala ko si Badette.

Sa sobrang laki ng university, halos hindi ko na kilala ang mga estudyante dito maliban na lang kung pareho kami ng department o organization na sinalihan.

Isang hapon, naisipan ko mag-internet sa isang shop dahil nasira ang wifi router namin sa Tumblrista Office. Kailangan ko kasi mag-post ng bagong blog ko sa Tumblr eh.

Ayun! Sakto paalis na yung isang babae sa PC #12.

Pagbukas ko ng Tumblr website, hindi siya nakapaglog-out ng account niya. iambadong.tumblr.com

Astig ng account name niya. infaireness, cute siya ah. Pasensiya na miss badong ha kung babasahin ko mga blog post mo. Nakakatuwa ka kasi eh. Cute mo.

Photography blogger pala siya. Isa sa pinaka-ayaw kong subject sa DevCom. Ay naku. Ganda ng mga kuha niya. Nakaka-inspire naman. Sana magaling din ako sa Photography.

Bakit kaya hindi siya nag-DevCom? Magaling naman siya magsulat. Plus points pa, kasi magaling siya sa Photography. BS Agriculture. Talino naman nito.

Crush na kita miss badong. Sana makilala kita dito sa school.

Dahil sayo, alam ko na ang blog ko ngayon. ANG BABAE SA PC#12…

 Matingnan nga muna ang twitter ko. siKEITHako followed you..

Okay. Followed back na niya ako. Puro naman kayabangan ginagawa ni Keith. Bakit ba Keith din pangalan mo sa twitter mo. Kairita naman. Pareho pa tayo ng pangalan. Kakainis lang. Karamihan sa school, sinasabi kamukha kita. Makahanap nga ng cute girls na followers mo na pwede gawing girlfriend. Tutal kamukha naman daw kita Keith eh. Subukan lang.

RichieRich.twitter.com  follow me girls!

Malay mo Keith, maging twitter famous din ako kagaya mo. Hay naku, makablog-post na nga sa Tumblr.

Buti pa dito sa Tumblr marami akong fans. Maraming fan mails. Maraming nakaka-appreciate ng mga blogs ko. Naalala ko si Miss Badong. Nakalimutan ko siya i-follow sa twitter pati dito sa Tumblr. Patay! Ubos na oras ko sa pag-internet. Next time na nga lang.

Bakit ba hindi ka maalis sa isip ko Miss Badong. Ang galing mo sa Photography. Hanga ako sa kagandahan mo. Hanga ako sa talent mo. Kailan kaya kita makikilala? May boyfriend ka na kaya? Aaaarrrgggghhh!!! Miss Badong!! Asan ka ba?? Gusto kita makilala!!

Ilang beses ako bumabalik sa internet shop kung saan ko huling nakita si Miss Badong. Pero wala siya. Hindi rin ako makapag-internet doon kasi laging puno ang mga PC..

PANGARAP LANG KITA 2: Istorya ng isang Tumblr BloggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon