chapter 15

685 11 0
                                    

Napakainit ng panahon, hapon na kasi nagsimula ang parade nila Santi Gabriel sa siyudad ng Cebu.

Mahaba ang convoy ng parade.

Nasa isang float ang mayor at ang governor.

Isang float din si Gabriel  kasama ang family niya.

May mga floats din ang mga sikat na celebritie.

Pero si Sanri Gabriel pa rin ang pinakabida.

He is the real hero dahil talagang ang kanyang na-achieve ay hindikakayanin ng sinumang pinakasikat na artista sa

pilipinas o kahit sa america.

Ang gold meadal sa olympics ay hindi para sa lahat nang tao.

Inilagay niya sa mapa ng kasikatan sa buong mundo ang pilipinas.

Siya ang tinanghal na pinakamagaling na swimmer sa olympics.

At paano naman hindi  hahangaan nang husto ei, para rin siyang isang artista kung kaguwapohan ang pinag-

uusapan?

pangleading man ang kanyang mukha ang he has the body to die for! Ofcourse, number one swimmer ba naman ng

mundo!

 Nasa pinakalikod na kami ng crowd parade kasama mga parents ko.

Kontento na kami sa pagtanaw sa float nila Santi Gabriel.

“chonna, nakikita ko rin sina Santi at Arabella! Ang ganda pa rin ng amiga ko! Sayang hindi naman niya ako

nakikita!”

Frustrated na sabi ni mama

“Justina, mahal... paano kang makikita... ang layo natin, isa pa, naka-disguise nga tayo! Malalaki at madidilim ng

mga shades natin, ang lalapad din ng mg sumbrero natin”

Sa tuno ng pananalita ni papa Parang gusto na niyang tigilan ang pagdisguise niya.

Kunwari hindi ko naririnig ang mga reklamo ng parents ko, kahit sa malayo tinititigan ko pa rin si Santi Gabriel.

Naliliitan na ako sa sarili ko, ang lalaking hinahabol-habol ko noon ngayon ay lalo pang nagiging bathala, hindi na

mareach, sa taas ng narating.

Narealize ko na wala akong karapatan na manguna sa puso ni Gabriel.

Kung pinagbigyan niya ang pag-ibig ko at sa akin napunta ang attention niya baka hindi na makakapag-uwi ng

gold medal sa olympics?

looking at him! He is really like a god up there!

Sa mga wave lang ni Snati Gabriel ay tilian na ang mga tao lalo na ang mga kababaihan.

Kahit nagduroga ang puso ko.

I am mighty proud of my beloved.

Hindi pa ba pagod si Gabriel?

Ano kaya ang susunod niyang aabutin?

Pagod na pagod na sina mama matapos ang parade.

Mabagal kasing lumalarga ang convoy ng parade, mabagal din kaming sumusunod.

Sobrang init ang araw pawisan na kami sa dami ng tao.

Bumili ng malamig na drinks si papa at binigyan kami tig-iisa ni mama.

Nagyaya ng umuwe si mama dahil nahihilo na daw.

Pagod na pagod na rin kami kaya umuwe na kami.

Hindi pa naman tapos ang victory visit ni Santi Gabriel sa Cebu.

Ang olympics medalist ay ini-interbiew ngyon n g local T.V station.

Pero bago ang live interview ay ipinakita muna ang maikling documentary film na si Santi Gabriel ang bida.

Kinunan ng video ang malapalasyong bahay nila.

Lalo na ang majestic na letter ng SANTIARA na gawa sa bronze.

Ipinakita kasi kung saan lumaki ang kasalukuyang hero ng bansa sa larangan ng sports.

Natural, lahat ay mapapahanga talaga sa Santiara.

love me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon