Chapter Three..

284 10 9
                                    

Nasa may Park kamig dalawa ni Pj... nagpaalam siya kina Ianne at Bench pati na din kay Clyde na dito na muna kaming dalawa...

Sinamahan niya ako, at hinahayaan niya akong umiyak...

Hayaan ko daw ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko, hayaan ko daw iiyak lahat ng gusto kong iiyak..

Kung iyon daw ang magpapagaan ng loob ko... gawin ko lang daw..

Para kahit papaano, kahit kaunti.. mabawasan ang sakit.. mabawasan ang hapdi...

“hindi mo naman kailangang pigilan ang pagpatak ng luha mo ee.. hayaan mo lang siya, hayaan mo lang kung iyan lang talaga ang paraan kung paano gagaan ang loob mo... wala namang masama sa pag-iyak.. lalo na kung... ansakit sakit na talaga..” sabi ni Pj sa akin...

Napatingin ako sa kanya.. sa malayo siya nakatingin.. malalim ang iniisip niya... at base sa mga mata niya.. tulad ko, may dinaramdam din siya...

“bakit ganun no Pj, andami ko ng naiiiyak, pero hindi padin sila maubos-ubos.. ayaw pdin nila tumigil..” sabi ko sa kanya habang pinapahid bawat luhang napatak mula sa mga mata ko.. ayoko ng umiiyak, ayoko ng tumulo pa ang mga luha ko... pagod na kong umiyak.. mula sa hartner.. hanggang sa makarating kami dito ni Pj, iyak na ko ng iyak.. walang humapay sa kakaiyak...

“dahil masyado kang nasaktan Xionnen... masyadong masakit... masakit malaman na may mahal ng iba ang taong mahal mo..” titig na titig siya sa mata ko ng sabihin niya yon...

Sa mga mata ni Pj, bakit ganun? Nakikita ko ang lungkot, bakit siya nasasaktan? Bakit pareho kami ng nararamdaman?

Nag-iwas ng tingin si Pj... tapos nag’form siya ng smile.. “napaka’unfair nga naman ng mundo no, ang unfair ng tadhana... kung sino pa yung taong gusto mo... siya pa yung hindi mo kailanman makakanya o maaangkin... at kung sino pa yung nagmamahal sayo... siya pa yung hindi mo mapansin..” mahinang sabi niya..

Ako lang ba?? O sadyang may laman talaga yung mga sinasabi niya sa akin? Baka naman.. sadyang.. magaling lang siya mag’advice at magaling siyang magsalita plus malalim ang pananaw niya tungkol sa ganitong aspeto...

“ni minsan, hindi ko inakala na ang pinakamatinong makakausap ko, ang pinakamatalinong makikilala ko.. ay isang SKATERBOY.. isang taong higit na kasalungat ko... ang taong hindi ko naman ganun kakilala... hindi ko inaasahang ang isang kagaya mo ang magpapagaan kahit papaano ng bigat na nararamdaman ko..” sabi ko kay Pj habang nakatingala sa kanya..

Nasa may Bay walk kasi kaming dalawa, nakaupo ako at nakatayo siya.. kung kayat nakatingala ako sa kanya...

Tumingin din siya sa akin... nginitian niya ako pero.. hindi ito umabot hanggang sa mata niya...

“bakit Pj?” tanong ko pagkaraan..

“hmmm?” tugon niya sa akin, nasa may tubig na ngayon ang attention niya...

“bakit malungkot ka? Kagaya din ba kita? Sawi sa pag-ibig?” tanung ko sa kanya.. pinunasan ko na ang mga luhang kanina pa umaagos sa mukha ko..

“oo... may mahal din ako... mahal ko siya noon pa..” tapos bigla siyang tumingin sa mga mata ko... “mahal na mahal ko siya, kahit hindi niya alam na nag’e’exist ako sa mundong ginagalawan niya... maha l na mahal ko siya kaya lang may mahal na siyang iba... at mahal na mahal ko siya, kaya nasasaktan akong Makita na umiiyak siya dahil sa taong mahal niya..”

Parang tumagos sa dibdib ko ang mga sinabi niya... yung nararamdaman niya, ganun din ang nararamdaman ko ngayon...

Kaya siguro magkasundo kaming dalawa, at kaya siguro nagkakaintindihan kami.. kasi, pareho kami ng pinagdadaanang dalawa...

Pero...

Sino?? Sinong babae ang nananakit ng ganyan kay Pj?

“ang galing naman, same situation tayo.. ang kaibahan nga lang.. nasasaktan ako kasi may ibang mahal ang mahal ko... ikaw, bukod sa may ibang mahal ang mahal mo, nasasaktan ka din kasi umiiyak ang mahal mo, dahil nasasaktan siya sa taong mahal niya...” sabi ko sa kanya tapos tumayo na din at tumabi sa kanya...

“ang swerte ng taong mahal mo, dahil mahal mo talaga siya...and at the same time... ang malas niya dahil hindi niya manlang alam na may isang taong nagmamahal sa kanya ng sobra..” dugtong ko pa...

“maswerte din naman si Bench ee... dahil siya ang minahal mo... sa dinami-dami ng lalaki, siya ang napili mo...” sagot naman niya sa akin...

Maswerte nga ba siya sa akin? Haaaay.. pero, maswerte din siguro siya kay Ianne.... dahil, nakay Ianne na naman ang lahat ng pwedeng magustuhan ng isang lalaki...

Samantalang ako? Wala naman ako sa kalingkingan ni Arianne Kylie Alvarez ee... walang wala ako kumpara sa kanya...

At isa pa yun sa masakit...

Dahil alam kong yung taong mahal ng mahal ko... masyadong mataas para maabot at malampasan ko...

Masyado siyang mataas para mapuntahan ko siya sa pwesto niya...

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa...

Malalim ang iniisip ko, so as he...

Hanggang sa basagin ni Pj ang katahimikan...

“Xionnen...” nakatitig siya sa akin...

Magkatapat lang ang mga mukha namin since magkatabi lang naman kami..

Diretso lang siyang nakatingin sa akin...

Hindi ko maiwasang mailing... kaya tumingin ako sa ibang direksyon...

“Xionnen... pwede bang....

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ako na lang? Ako na lang ang mahalin mo? Ako na lang ang pagtuunan mo ng buong atensyon mo? Pwede bang... ako na lang ang mahalin mo at hindi si BENCH?”

*********************************************************************************************

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHAT LOVE IS? [SBMBG FAN-FIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon