1

3.4K 77 9
                                    

Michelle's POV

GOOD DAY EVERYBODY! Today marks my first day as a Lasallian and a Lady spiker. Mixed emotions nga eh, syempre excited because this is my dream. At the same time, kinakabahan cos college life is so surreal :( pero kakayin. Laban lang. Hehe

Nasa tapat na ko ng gate ng Enrique Razon Sports Complex at huminto muna ako bago tuluyang pumasok. Lord sana maging mabait yung teammates at coached ko at sana gabayan niyo po ako sa buong stay ko sa La Salle. This is all for You! LEZGAAAWWW 💪🏻

Pagpasok ko sa elevator papuntang 9th floor, may mga nakasabay akong mga matatangkad na kalalakihan. Sorry ah? Ang liit ko kasi kaya siguro natangkaran na ko sakanila. Pero yung isa sobrang tangkad talaga. Pareho pala kaming lahat na sa 9th floor yung punta. Athletes rin ba sila?

Bumukas na yung elevator "Sige miss, mauna ka na." ngiting sabi naman nung isang lalaki na medyo matangkad, maputi tapos chinito. Nag thank you naman ako at nginitian rin siya tapos lumabas na agad ako.

Pag pasok ko ng gym hinanap ko kaagad yung first ever friend ko sa team, si Bettina. Nung sunmer kasi pinapunta narin kami dito para sa orientation kaya may mga kakilala na rin ako dito. Pero si Bettina talaga yung naging close ko na. Ngayon palang kasi kami magsstart mag train ng sabay sabay kaya hindi ko parin masyadong kilala yung iba naming teammates.

"Mich!" sigaw sakin ni Bettina at agad na tumakbo papunta sa direction ko.

"Bets!" at yinakap ko naman siya.

"Medyo long time na ah! Kala ko malelate ka pa eh. Bakit nga ba ang tagal mo?"

"Late agad? May 5 minutes pa nga oh. OA ka, haha!"

"Oo na sige na. Tara pakilala kita sa iba nating teammates. Ang fun nila kasama sobra!"

At lumapit na kami sa pwesto ng teammates namin. Yung iba naguusap, yung iba nagph-phone, tas yung iba tulog. Ganito rin kami nung high school eh, how I miss my former teammates huhu but I know naman na I'll enjoy being part of this team also. hehe

"Hi ates! Do you remember her po? She's Michelle. Also our teammate from now on!"

Lahat naman sila'y nginitian ako at nag-hi isa isa sakin. They don't really need to say their names because I know them all na. Especially the seniors dahil avid fan rin naman talaga ko ng La Salle. It's really my dream school to begin with.

"Hay nako, Bettina! Kahit kailan talaga ang ingay ingay mo. Hahah" Sabi ni ate Cyd kay Bets at napatawa naman kami ng konti.

"Hi Michelle! Welcome sa team. Enjoyin mo lang ah? 5 years in the UAAP will be fast lang. Di mo mamamalayan last year mo na pala. So just enjoy and give your 100% okay? Welcome sa team!" bungad na bati saakin ni ate Ye. Yun kasi talaga ang tawag sakaniya sa team.

Ang sweet naman huhu, "Opo, ate! Thank you so much po. Sayang nga po di ko kayo naabutan sa last playing year niyo eh. Sana po someday we could play together sa same team!"

"Oo naman! Kahit naman hindi same team ng same league eh pwede tayo maglaro."

"Sige, ate! Looking forward to it na heheh" nginitian at nag nod naman sakin si ate Ye bago bumalik sa ginagawa niya.

Agad naman akong hinila ni Bets kung nasan yung bag niya at pinaupo ako dun. "Sis! I have kwento sayo. hihi"

Napa-roll naman ako ng eyes, hindi dahil nainis ako sakaniya pero dahil natuwa pa ako. Ganiyan talaga si Bets, sanayan nalang talaga 😂

"What's new, sis? Kelan ka ba nawalan ng kwento? hahaha"

"Mich, I'm not really sure about this pero I think he's the one eh."

We could happen Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin