Her Virgin Brother: EPILOGUE

70.2K 1.3K 131
                                    

Hello Guys! Promote ko lang ang FB ni Colyn :) Here it is! 

https://www.facebook.com/colyn.garcia18 or Click the Exeternal Link!

Thank you again Ninnie :) Add niyo siya sa FB :)

Dedicated to Everyone who supported this Story! Ang ganda. January 1. Naglevel up ang Followers at Reads ng HVB! Thank you aa COMMENTS nabasa ko siya :)

Happy 100K and Happy 1st Year Anniversary #HVB!

Her Virgin Brother (January 2, 2013 - January 3, 2014)

-----

EPILOGUE

<Colyn's POV>

"Ano ang niluluto ng maganda kong asawa?"

Napalingon ako kay Edrick na yumakap mula sa likuran ko at sinandal ang ulo sa balikat ko.

Nga pala. Ipapakilala ko.. si Edrick, uhmm.. asawa ko. Syempre naman, hindi ako magpapakasal hangga't hindi siya ang asawa ko.

Sa ngayon, 12 years na kaming kasal. Ang bilis diba? Nagpakasal kami after ko grumaduate ng College, kahit yung kasal namin hindi yung pinapapangarap ko dating Garden Wedding, ayos lang, basta ang nasa dulo ng altar ay si Edrick Garcia.

Nasa stable na ang buhay namin. Nagtratrabaho si Edrick bilang Manager sa isang banko. Isa naman ako ehem, High School Teacher sa Private School. Panis diba? Naging Teacher talaga ako? Hindi ko din akalain na ito yung magiging kapalaran ko. Parang gumising na lang ako isang araw, nasabi ko sa sarili ko 'Gusto ko maging Teacher' Then pinush ko na.

Kung tatanungin niyo naman ang mga anak namin. May dalawa na, si Alexander Joaquin, binata na, at ang aming chikiting na si Ericka Lyn. Yup. Sinunod talaga namin yung gusto naming dalawa.. at mamaya.. isusurprise ko pa siya.

"Anong nakain mo, Honey?" Hinawakan ko ang tenga nito. "At sobrang lambing mo ngayon?"

"Secret.." Bulong nito. "May surprise ako sayo."

"Ako din." Tumingin ako sa kanya. Kahit kailan magaling talaga magpakilig itong si Edrick, feeling ko, lagi akong TeenAger.

"Pakiss." Sabi niya. Bababa pa lang yung halik niya sa labi ko ng may sumigaw sa likod namin.

"I'm here!!"

Biglang napapikit si Edrick sabay kamot tyaka ako tiningnan na parang nagsasabing 'tuloy ko ito mamaya'

Parehas pa kaming napalingon kay Ericka Lyn, Grade 6 na ito. Pero chikiting pa rin ang tawag ko sa kanya.

"Anong ulam, Dad---" Biglang lumaki ang mga mata nito at tinuro ako. "Mommy cooks our Food?!"

Napamewang ako. Wala talaga silang tiwala sa akin sa pagluluto, pero tinuruan naman ako ng napanood ko kanina kaya alam kong masarap ito.

"Bakit? May problema ba, Ericka Lyn?" Sabi ko sa kanya.

"Of course!" Lumapit ito kay Edrick. "Daddy, why did you let Mommy cooks our food?! Kailangan ko na bang magpadeliver ng Pizza--- Aw! Mommy!"

Her Virgin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon