PANGARAP LANG KITA: Istorya ng isang TWITTER follower

585 3 3
                                    

Dati, Facebook, Friendster,Youtube at Multiply lang ang alam kong past time sa social networking. Sabi ng isa kong kaibigan na adik din sa social networks, try ko daw mag-Twitter.

“Para lang yun sa mga sikat noh! Wala ako hilig mag-update ng status ko minuminuto!” sabi ko sa kanya.

Ok na ako sa FB. Tutal mahilig lang naman ako mag-post ng pictures na kuha ko. Kunwaring magaling sa photography?? Siguro dala na rin nang dahil sa maganda kong DSLR Camera.

Naalala ko nga eh, may isang post sa Tumblr. YOU’RE NOT A PHOTOGRAPHER; YOU JUST HAVE AN EXPENSIVE CAMERA!

Ayun! Sapul! Eh ano magagawa ko? Hilig ko kumuha ng mga pictures.Kanya-kanyang trip lang yan! Malay natin di ba? Maging photographer ako soon..

Libre lang mangarap.

Ako si Bernadette “Badette” Dimasalang. Lumaki ako sa Laguna. Isang Iskolar ng Bayan. Dalawang taon na lang graduate na ako ng BS Agriculture. Kung tatanungin ako tungkol sa lovelife ko, Single ako but my heart is taken by someone I don’t even met yet in person. Oo. Inlove ako sa isang tao na nakilala ko lang sa internet.

Ito ang istorya ko.

Please follow me on twitter… Guys, pa-follow naman sa twitter oh!.. @echos and whatever… blah! Blah! Tralala!

Na-curious tuloy ako, ano ba kasi meron sa Twitter bukod sa pag-follow sa mga paborito mong artista? Ma-try nga…

Gumawa ako ng sarili kong account: iambadong12.twitter.com

“Ano ba namang pangalan yan friend? Mukha kang lalake sa pangalan na yan. Palitan mo naman. Yung sosyal!reklamo sa akin ni Tina habang tinitingnan niya ang twitter account niya. Nag-follow kasi ako sa kanya. Nasa internet shop kami malapit sa university.

Di ko siya pinansin. Walang pakialaman ng trip. Account ko ‘to eh. Naisip ko tuloy, parang hindi ako bagay sa Twitter. Puro mga sosyal ang nababasa ko. Sa bagay, karamihan naman kasi mga artista at die hard followers nila ang mga andito. Bakit pa nga ba ako nag-twitter? Ewan ko ba.. dala na rin siguro ng peer pressure.. Para-in.. para updated sa mga latest trends ngayon.. Yun ang sabi ni Tina sa akin eh. Napag-iiwanan na ata kasi ako ng panahon.

Naku naman! Sa isang oras namin sa internet, 30 na agad ang na-follow ko. Sad to say, 5 lang ang followers ko. Anu ba yan, nakakahiya..

“Maglagay ka kasi friend ng picture mo.. mukha ka kasing lalake sa account name mo eh.” Suggestion sa akin ni Tina.

Nag-upload ako ng picture ko na kinopya ko sa Display Picture ko sa FB. Ma-connect nga ang twitter sa FB ko. Para kahit mag-post ako sa FB o Twitter, pareho malalagay sa account ko.

Nakakasawa naman magbasa ng mg post ng mga sikat na ‘to. Ewan ko ba. Wala talaga akong hilig sa Twitter.  

Hay naku, makapag-out na nga.

Kumusta naman yan, di ko akalain, umabot pala sa 30 pesos ang bayad ko sa internet dahil lang sa kaka-twitter. Tatlong oras na pala ako sa shop, hindi ko namalayan ang oras.

Umuwi na ako sa bahay. Naabutan ko si lola. Tapos na siya kumain. As usual, hindi nanaman niya ako nahintay. Sanay na ako. Alam ko naman ako pa rin ang sinisisi niya kung bakit kailangan lumuwas ng bansa ang magulang ko. Dahil ayoko tumigil sa pag-aaral, kailangan nila magtrabaho para may pantustos sa araw-araw naming gastusin.

Nawalan tuloy ako ng gana kumain. Dumiretso na lang ako sa kwarto para magpahinga. Pagpasok ko, isang package ang nakita ko sa study table ko. Kinuha ko ito at binuksan. Galing kina nanay sa Australia.

PANGARAP LANG KITA: Istorya ng isang TWITTER followerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon