Chapter 49

2K 24 3
                                    

Rianne POV

“1 2 3, 1 2 3”

“tama na ba?”

“oo tama na.”

Nandito ulit ako sa may sala kasama sila Troy, Elise at Georgina at kasalukuyang tinuturuan sila.

Ako ang nagtuturo kay Elise ng mga steps nya habang si Georgina naman ay kay Troy.

Halos tatlong araw na ang lumilipas simula ng pumayag akong maging assistant dance instructor nila.

So far, medyo okay naman.

Andyan yung awkward moment sa amin pero I tried my very best to act professional.

May mga times pa nga na kaming dalawa ni Troy ang pinagsasayaw para daw makita ng maayos ni Elise kung paano dapat yung expression ng mukha ng girl at kung ano ano pa.

Actually nakakapagod din magturo. Sa totoo lang hindi naman yung katawan ko yung pagod eh.

Yung puso at isip ko ang pagod na masaktan pag nakikita silang dalawa.

You must think stupid of me kung bakit pumayag pa akong maging assisitant ni Georgina where in the first place alam ko namang masasaktan lang ako.

Kayo ba naman makitang kasama ng taong mahal mo yung mahal nya, I mean mahal na mahal nya. Tapos ang saya pa nila.. oh diba?! Daig ko pang nag suicide.

Sana nga nagpakalunod na lang ako sa dagat.

Pero hindi pwede yun..

Marunong akong lumangoy eh.. BV >.<

Haha syempre joke lang!..

Mahal ko naman ang buhay ko. And I think hindi pa naman ako nahihibang pa para kitlin yung buhay ko dahil lang sa hindi ako mahal ni Troy.

Siguro nga masochist ako pero kaya ko bang tiisin na hindi makitang masaya si Troy. Kung ito yung magpapasaya sa kanya then why not? Kahit siguro forever ko na silang turuan sumayaw okay lang..

A Love to last....(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin