Mapapansin Kaya?

1.2K 29 12
                                    


Crush? Yun lang naman ang usapan ng mga babaeng haliparot sa corridor.

Simula pa noong pagkapanganak sakin e hindi na ako nag kacrush. Pano ba naman feeling ko once nag ka crush ako masasaktan lang ako. O pak crush palang masasaktan na agad nasa isip ng ate nyo.Eh kasi nakikita ko yung mga babaeng nasasaktan pag nagcoconfess sa mga crushes nila.

Minsan nga iniisip ko bakit ba nila sineseryoso ang salitang crush? Diba iyon ay nangangahulugan lang ng paghanga?

Habang iniisip ang mga yon syempre naglalakad ako papuntang room namin.

Sa katabi nang room ko may nakaagaw ng pansin ko. Ang galing nya naman magdrawing.

Habang nakatingin ako sakanya ay lumingon sya pabalik na naging dahilan ng pagyuko ko.
Naglakad na lang ulit ako pabalik sa aking silid.

"Eira!" Tawag ko sa bestfriend ko.

"Bakit, Anne?" Pagtataka niya

"Kilala mo ba yung taga kabilang room? Maputi na medyo matangkad."

"Saan?" Lumabas kami ng room
"turo mo."

"Ayun o nasa 2nd row katabi ng bintana."

"Ah si Nathan Montemayor."

Nathan...Montemayor...

"Ganon pala sige salamat bes."

"Bakit crush mo?"

Hala crush daw.

"Okay ka lang? Never nga ko nag ka crush diba? Curious lang ako kasi ang galing niya mag drawing."

"Inaadmire mo?" Pangungulit niya.

"Yung drawing!" Paliwanag ko

"Yung drawing ba talaga?" Tanong ni Eira

Yung drawing nga lang ba? Syempre! Di pa nagkakacrush ang ate nyo!

"Gusto mo kausapin?" Tanong niya ulit

"Hindi no. Di ko naman siya crush para kausapin."

"Ramdam ko e. Crush mo sya bes eh"

"Siraulo ka talaga. Imposible ako mag ka crush no."

"Posible yan."

"Hindi. Bata pa ko."

"Bakit aasawahin mo na ba? Crush lang bes crush....omg bes ayan na syaaaa"

"Bes ang ingay mo!" Pagsaway ko.

"Kinikilig lang naman ako for you e kasi finally my crush na ang bestfriend koooo!"

"Di ko nga siya crush eh ang kulit...."

Bigla niya akong hinila papunta kay Nathan shems!

"Hi Nathan uhm Anne pala." Sabay turo sakin

"Uhm hi?" Nakakahiya bwisit.

"Hello" bati ni Nathan.

Ambait nya pala tas ampogi ni koya nyooo shems.

"Tara bes sabay na tayo sakanila umuwi." Aya ni Eira.

"Ano ba bes nakakahiya di naman natin sila close."

"Feeling Close oo."

Ikaw lang feeling close bwisit.

After few months

Crush ko na nga ba sya?
Paano?

Hindi ko maintindihan kasi parang inaadmire ko na talaga siya. Inaamin ko nandon na yung medyo kinikilig ako. Minsan nga narinig ko silang naguusap na may girlfriend na si Nathan. Tinanong ko siya thru chat kasi nahihiya ako sa personal sabi niya joke lang yon at wala pa siyang nagiging girlfriend.

Bakit ako nasaktan nung narinig ko na may girlfriend na siya? Bakit ko siya tinanong? Bakit ako nacurious? Bakit... Bakit ako nagseselos?

Tuwing dadaan kami ni Eira, sa bestfriend ko sya lagi nakatingin. Kahit sinsasabi niya na "Uy tinitignan ka o" alam ko sa sarili ko na siya yung tinitignan. Pero di naman ako galit sa bes ko siya yung laging nandyan para sakin e kahit sabog yun mahal ko yun.

"Bes!" Pagtawag ni Eira

"Bakit bes?"

"Narinig ko tahimik at mahina din boses ni Nathan omg soulmateeee."

"Sira! Wala ka bang lovelife kaya sakin yung pinagkakaabalahan mo?"

"Meron duh may mu ang besty mooo. Kala ko pa naman best friend kita tapos hindi mo man lang alam."

"Di ka kaya nagkekwento."

"Ay hindi ba? Sorry hehe."

Minsan talaga hindi ko alam kung may saltik o baliw na talaga tong bestfriend ko eh.

"Kausapin mo na kasi mamaya si Nathaaaan."

"Ayaw."

"Dali na bes! Kakausapin lang eh hindi ka naman aamin."

Aamin? Ano namang aaminin ko?

"Sige na bwisit kung di ka lang talaga malakas sakin e."

Hindi ko alam sasabihin ko. Wala akong sasabihin? Ano sasabihin koo.

"Hi?" Pagbati ko.

Gosh ang akward!

"Anne?" Tanong ni Nathan.

"Yes uh pwede ba uhm.. Pwede bang ano.." Sht bat ako nauutal

"Ano?"

"Pwede ba kitang makausap? Yung pribado? May sasabihin lang ako."

Hala anong may sasabihin?!

"Ano yun?"

"Ha?!"

"Sabi mo may sasabihin ka diba?"

"Hindi pa naman ako sure, pero sa tingin ko... Gusto..k.ki..kita."

"Anne gusto din kita eh, naalala mo ba nung una tayong nagkita? Nung nakita kita sabi ko sa sarili ko sana makilala kita. Alam ko din yung sinabi mo na sa bestfriend mo ako nakatingin pero yun lang yung way ko para hindi mo mahalatang ikaw talaga yung pinagmamasdan ko, kahit sa malayo. "

Those words shocked me. Wala sa expectation ko na gusto niya din ako. Wala sa expectation ko na yun yung sasabihin niya. Wala akong inexpect. Kasi akala ko kagaya din sa ibang nakikita ko. Na nirereject. Ifrifriendzoned, papaasahin.

"Anne pwede bang...."

"Ano yun Nathan?"

"Maging.."

Bata pa ko!!!

"Maging MU kita?"

"MU? Mutual Understanding?"

"Exactly. Alam ko kasing hindi ka pa handa sa relationships and so do i. I want to know you more"

Hindi ko alam anong isasagot ko non. Nakabasa ako ng mag MU tapos nagkatuluyan shet aasa nanaman ang ate nyo. Yung mga binabasa ko kasi mga fiction kaya ayon, asang asa ako sa mga happy endings.

Pero priority ko yung studies ko.

"Sorry Nathan, hindi pwede."

Natigil siya sinabi ko. Alam ko sa sarili ko na tama yung desisyon ko nangako ako kay mama na hinding hindi ako magkakaron ng relationship sa kahit kaninong lalaki unless tapos na ako sa pagaaral. And Im willing to keep my promise.

Masaya magkaron ng lovelife, oo. Pero mas masaya makapagtapos

MU? Magisang Umiibig.

Crush (One Shot)Where stories live. Discover now