Chapter 15: Warmth

191 5 2
                                    

Elouise's POV

"Malapit na ang intrams girls!" masayang sigaw ni Penelope habang nakatayo sa harap ng buong klase.

Nakakunot ang noo ni Cathy Habang nakatingin dito.

"Fudge tignan mo si Penelope excited much" inaayos na ni Cathy ang notebooks niya, kakatapos lang ng klase namin sa Mathematics of Investment.

"Oo nga fudge." napapailing kong sagot habang inaayos ang bag ko.

"And that is because of Cody." Tumingin siya saakin, with emphasizing the word. Cody.

Kailangan ba talaga I-emphasize pa? Talaga nga naman si Cathy. Napapiling na lang ako.

Naalala ko na naman siya, masaya ako dahl tinulungan niya ako sa Assignment ko last week. At nagulat silang lahat, I got the highest score in Assignment. And that is all because of him. Hindi nga pala alam ni Cathy na si Cody ang nagsagot ng assignment ko, hindi ko na lang sinabi. Baka kasi asarin niya pa ako o kaya baka magalit siya saakin, sabihin lapit pa ako ng lapit kay Cody.

Pinahiya nga pala niya ako sa harap ng maraming tao, nilagyan niya ako ng Ipis sa paa and then he just called me love? Sino ba ang hindi maiinis sakanya.

"Siguro." napakibit balikat ako. I acted like hindi pumapasok sa sistema ko si Cody.

"Don't tell me, you're not affected at all?" Nakataas ang kilay niya habang nakangisi.

"Wag mo kong ngitian ng ganyan Cathy Alexine Ruiz, baka di kita matantya." sinara ko na ang bag ko.

"Ito naman di mabiro." niyakap niya ang braso ko.

Deep inside natatawa ako. "Oh sya sya, di ka pa ba aalis? Ako kasi aalis na, medyo naririndi na ako kay Penelope."

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. "See, you are affected. Hmmm, aminin." at tinusok niya ng ballpen ang tagiliran ko, kaya napaiktad naman ako.

"Ano ka ba? Hindi naman yun yon Cathy." at tumayo na ako.

"Ang sabihin mo, naiinis ka kay Penelope, dahil di mo matanggap na siya ang number one fan ni Cody." at umarte pa ito na parang nakakita ng bituin sa langit.

I smirked at tumawa ng nakakaloka. "Hehe, what are you trying to say? Ako maiinis? Pakielam ko ba kung Number one fan pa siya ni Cody." Huminto ako sa paglalakad at tumingin ako kay Cathy.

"If I know, nakakatawa lang siya." pahabol ko at naglakad na muli.

"Sino kayang nakakatawa sa inyong dalawa? Siya na pinagsisigawan na gusto si Cody? or Ikaw na dalawang taon ng nagtatago? oh well its almost 2 years na fudge." Napahinto ako sa paglalakad.

"See? Sino kayang nakakatawa sa inyong dalawa? Sino ba tong parang aso na bubuntot buntot at palihim na kumukuha ng mga litrato niya at nilalagay sa Scrap book? sino kaya tong masokista na sumusunod at pinapanuod siya habang masayang kasama ang Girlfriend niya? Sino kayang tong hindi baliw kay Cody? Na pati picture niya, dinidikit sa unan, tapos niyayakap sa gabi? Sino kaya tong-"

"Ah! Tama na!" napasabunot ako sa sarili ko, hindi ko na kaya pang mairinig ang mga susunod na sasabihin ni Cathy.

Kaya iniwan ko siya at tumakbo ako palayo.

Gusto kong mapag-isa.

Tama siya, matagal na akong hibang dahil sa nararamdaman ko para sa nag-iisang lalaki na laman ng isip ko ngayon.

Tama si Cathy, lahat yun ginawa ko na para sakanya, pero kung iisipin. Bale wala lang ang lahat, dahil kahit kailan hindi niya nakikita lahat ng yun.

Crush Ko Ang Boyfriend mo (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon