1. Prologue; "Chapter One"

5.7K 73 10
                                    

"IN A RELATIONSHIP WITH MR. ENEMY (Book II)"

Note: "In A Relationship With Mr. Enemy" is the officially book 2 of "One House With Mr. Enemy" So, kung hindi nyo pa nabasa ang book 1. Baka maguguluhan kayo kapag binasa nyo 'tong book 2. ^^

Gumawa ako ng book 2, para sa desire ko at para na rin sa mga nagrequest haha. Nah kahit ang gulo ng pagkasulat ko sa book 1 e talagang tinapos pa rin nilang basahin. (PS, Hindi ko pa rin ineedit mga typo error at gramatical error 'non. tamad eh~ haha)

Magbibigay ako ng short prologue for this. Para exciting! hoho! :'D

PROLOGUE

Sa book 1 ay madalas mag-away si Nico at Minjae pero sa huli ay natapos din sa pag-iibigang walang kapantay.

Pag-ibig pa rin kaya ang mangunguna kung ang relasyon nila ngayon ay sikreto na. In a secret relationship kumbaga.

Singer at Actress ang profession ni Minjae aside sa pagiging painter at architect. At dahil nga isa syang artista na sikat bilang ka-loveteam ni Kenneth Romanoff na sikat din bilang actor/dancer/model. Kilala silang dalawa ni Minjae bilang MinKen couple. Tinatangkilik ng mga fans ang MinKen couple. Kaya nagpasya ang manager nila na ipalabas na wala sa kanilang dalawa ang may boyfriend o girlfriend. Syempre! para mas kakiligan ng mga taga suporta ang MinKen couple^^

Labag man sa kalooban ni Nico bilang officially boyfriend ni Minjae ay pumayag na rin sya sa naging desisyon ni Mj na itago ang relasyon nila sa publiko. Medyo hard diba?

Paano kaya ang relationship sa ganitong situation? Lalo na't magkakaroon pa ng kontrabidang witch na ang hangad ay manira ng isang relasyong kinuha sa kanya.

"In A Relationship With Mr. Enemy" 

Tara na't magbasa tayo ^_^ 

Hope mag enjoy ang lahat :'P

-ShaiwaPark

*                                   *                              *

"Will you be my girlfriend?"

Sixteen years old ako nang mabasa ko ang salitang yan sa ere. Gawa ng nagniningning na fireworks sa kalangitan. Salitang buong pusong pinaghandaan ni Nico para sa akin. Salitang sobrang nagpatibok ng puso ko to the point na maiiyak ako sa saya. Dahil si Prince Nico na nagbigay ng kulay sa buhay ko na syang lalakeng hindi ko aakalaing papangarapin ko. Si Nico na kayang gawing impyerno ang buhay ko pero humantong din sa ganto at sasabihin nya sa akin

"I love you Minjae.."

Sa kabila ng pusa't asong character namin o laging pag-aaway. Mahahantong pala kami sa ganitong moment. Na kahit lagi kaming nag-aaway hindi pa rin mapigilang mahulog kami sa isa't isa na akala ko dati. Isang napaka-imposibleng bagay.

"I'm taken."

Isang umagang nagpa-realized sa akin na hindi na ako single. Nung paggising ko may gwapong unggoy na nakaupo sa side ng kama ko at nakatingin sya sa akin habang nakangiti,  

Yung ngiti nyang ang sarap tignan, na para bang mahahawa ka sa ngiti nya kapag tingnan mo ng hihigit sa tatlong segundo.

Simula nang umagang 'yon at nasundan pa ng iba pang mga umaga.

Nasanay na talaga ako na mabuhay bilang girlfriend ni Nico, na kahit madalas ay hindi pa rin namin maiwasang hindi magtalo dahil sa isang bagay.

"I'm leaving you..."

In A Relationship With Mr. Enemy (BOOK 2)Where stories live. Discover now