BITTERSWEET

443 19 42
                                    

One-shot story lang. Trip-trip lang. 

^___________________________________^

___________________________________________________________________________________

"Wud u be my girlfriend?"

Text ni Dylan sa kin, mga 2 months ko na syang madalas na nakakatext at nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko naman kasi inaasahan na itatanong niya yun agad-agad sa akin tsaka hindi naman kasi siya nanliligaw sakin eh pero madalas kaming lumalabas nang kaming dalawa lang. Parang MU? 

Simple lang naman ang sagot sa tanong niya eh. Yes or No lang. Kaya naman di na ko nagpatumpik-tumpik pa. Hindi na ko magdalawang isip at agad ko nang sinagot ang text niya. 

"YES! :) ♥"reply ko kaagad sa kanya. Bakit pa kasi ako magpapaliguy-ligoy pa eh gusto ko rin naman talaga siya so bakit pa ko magpapakipot diba?!

Wag niyong isiping easy-to-get ako. Ayaw ko lang palampasin ang pagkakataon na maging first girlfriend ni Dylan. I've known him since high school pa lang ako. Sa iisang building lang naman kasi ang mga room namin at minsan may mga activity kami na nagkakasama kami. Actually, ahead lang naman siya sa kin ng isang taon at since first year high school pa lang ako crush ko na siya. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang Dylan Padilla? Siguro yun na lang ang taong hindi marunong maka-appreciate nang kagwapuhan.  

Gwapo talaga siya. He's so tall! Mga 6'1 yata ang height niya. Tapos yung hazel-brown eyes niya na laging nag-iispark  feeling ko kapag tinitignan ako eh hinihypnotize ako. Tapos kapag nagsmile siya makikita mo yung mapuputi't pantay-pantay niyang ngipin at ang maninipis niyang labi ay napakapula. Hindi rin naman sa sobrang pinupuri ko siya pero matalino rin siya. Consistent honor student sya nung high school at ngayong college lagi siyang dean's lister to think na Engineering pa ang course niya at fourth year na siya.

"Thanks. See you tomorrow!" Reply ni Dylan sa akin. What?! Matapos ko sagutin "thank you" lang sasabihin niya. Siguro, nahihiya pa siyang magsabi ng I Love You.

"Ok. Good night! ILY po." Reply ko sa kanya. Wala namang masama mag I Love You ako diba? Boyfriend ko na kaya siya.

5 minutes... 10 minutes... 15 minutes... 20 minutes.. 30 minutes... Hindi na siya nagreply. Tulog na siguro ang BOYFRIEND KO. Talagang naka-Caps diba? Marami kayang nagpapanstasya sa kanya sa school namin noh lalo na sa college namin. Tuwing dadaan siya, ang mata nang kababaihan at mga binabae ay nakatingin sa kanya. Well, sorry na lang sila dahil si DYLAN PADILLA ay AKIN NA! Hahahaha! Possessive noh?! Bakit ba? Ako lang naman ag FIRST GIRLFRIEND NIYA! Talagang pinapangalandakan eh noh? Atin-atin lang to, balita ko kasi nung high school may pagkatorpe yang si Dylan, may gusto siyang ligawan na classmate niya kasi hindi niya naligawan kasi nga isa't kalahati siyang TORPE! Kaya ayun, parang MU lang daw sila for 4 years. Well, wag na nating pag-usapan yung past niya na yun ang mahalaga eh BOYFRIENDko na siya.

Kinabukasan, nagkita kami sa gate ng school. Sabay kaming pumasok at hinatid niya ako sa room namin. Grabeng tingin sa akin ng mga babae, nagulat siguro sila kasi ako ang kasama ni Dylan. Hahaha! Sorry na lang sila akin na si Dylan.

Nadaanan namin yung sinasabi kong classmate niya na naging ka-MU niya nung high school na si Michelle. Alam ko, ngayon-ngayon lang naputol yung "mutual understanding" nila. Nakatingin siya sa amin ni Dylan pagdaan namin.

"Wow, Dy! Kayo na ni Gayle?" tanong sa kanya ng high school classmate niya.

Ngumiti lang siya tapos tumingin kay Michelle. Bakit feeling ko may mali? Sana naman kahit tumango na lang siya diba?

"Kita na lang tayo mamayang uwian." Sabi niya sa akin nung nakatapat na kami sa room ko.

"Ok. Ingat." Matipid na sagot ko. Anong klase tong boyfriend ko hindi yata marunong magpakilig ah.

BITTERSWEETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon