Chapter 1 I'm Gay? WTF!

174 4 2
                                    

ARRGH!!!! Napaungot ako habang naghihilamos. Dito magsisimula ang kwento ko, sa "puking out scene". Balak ko sanang banggitin ang "waking up scene", kaso baka madaming magalit. Masyado daw cliche yun. Pero huwag kayong mag ala ala may iba akong scene na babanggitin dito. Cliche din yun. CLUE: MADALAS ITONG GINAGAWA NG MGA LALAKI TUWING MALILIGO.

Kinuha ko ang towel at nagsimula nang maligo.

"AHHHH..............." Sarap ng tubig. Sarap sa pakiramdam. Kung nagtataka kayo, hindi ko ininom ang tubig, mga ulol kayo. Masarap lang talagang maligo at kung ano pa man ang pedeng gawin sa banyo. Ugh. First day of school nga pala ngayon. College style. Nakaka excite. Madami kayang chicks dun? Meron din sanang inahin. Trip ko kasing mangulekta ng sisiw eh. Nga pala, pumapasok ako sa Terrence Academy. Engineering student. Kilala ako bilang isang outgoing na tao. Pero ang totoo wala silang alam sakin.

"Ok, guys. Time for introduction" sabi ni Mr. Professor.

Introduction. Tsk. Parang high school lang pala to eh. Kung nagtataka kayo kanina pa ako nakarating sa school. Pero hindi ko na sasabihin pa ang detalye. Hinagad lang naman ako ng aso at nasigawan ng driver. Nag 123 kasi ako eh. Hehe. Isa isa kong tinitigan ang mga nagpapakilala. So far so good. Hanggang sa magpakilala siya. Nakaupo siya sa dulo kanina. Emo. Hindi ko alam kung ano ba ang love at first sight. Pero nung oras na nagsalita siya. Isa lang ang alam ko. Gusto ko siya, walang duda.

"I'm alyssa.17. Proud to be a lesbian"

What the fact! Toto ba ung sinabi niya? Pano na kaming dalawa? Ganun na lang ba un matatapos? Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Pero nang magpakilala ako. Bigla ko na lang nasabi ang mga salitang,

"I am Trey.17. And ugh, I'm Gay"

At sa isang iglap nabago ang buhay ko.

The Perks of Being A Gay GuyWhere stories live. Discover now