Seems Like We Never Started

311 11 18
                                    

Nakatingin sya sa reception desk ng gusaling iyon kung saan nakaupo ang isang babaeng naka-corporate attire at inaasikaso ang mga nag-iinquire na tao. 

         "Ser, may kailangan ka po ba?" tanong ng isang janitor na nagma-mop ng sahig. "Kanina pa kayo may tinitingnan sa reception." 

         "Anong pangalan ng babaeng 'yon?" tugon ng lalaking kanina pa nakatingin sa reception desk. 

         "Interesado ka po sa kanya? Sya ho si Miss Jilian Silvano. Ang ganda ho nyan. Mabait, tapos palangiti pa. Kaso wala pang boyfriend."

         Napakurap ang lalaki, hindi makapaniwala na sa ganda ng babaeng iyon eh wala pa itong boyfriend. "Talaga? Bakit naman?"

         "Ewan ko ser. Wala po akong naririnig na may nanliligaw djan. Pero mabait naman po sya eh, ta’s nakikipag-date naman po sya. Dini-date nya kahit sinong mag-aya sa kanya. Naka-date ko na nga ho sya eh."

         Nagpasalamat ang lalaki sa janitor saka lumapit sa reception desk. Nginitian sya agad ng babae. "Yes Sir may I help you?"

         "Wala naman."

         Binigyan sya nito ng kakatwang tingin. "Excuse me?"

         "I mean, wala kang maitutulong."

         "Sige Sir. Now if you will excuse yourself, may nakapila kasi sa likod mo na mas may kailangan ng tulong ko."

         He chuckles, amused. "Tomorrow, 6pm, meet me sa Red Ribbon sa Quezon Avenue."

         Ngiting hindi-makapaniwala. "For what, Sir?"

         "For a friendly date."

         Mahinhing tawa. "Date agad? Ngayon mo pa lang ako nakikita."

         "Oo, date agad." Tapos umalis na ang lalaki.

*Thirtyminutes past 6pm, dumating si Jilian sa Red Ribbon. Nakaupo yung lalaking nag-aya sa kanya sa date na ito malapit sa entrance, kaya daglian nya itong nakita. 

         "You're late," sabi ng lalaki. Nakabihis sya ng checkered green polo at pantalon. Naka-crew cut ang buhok. 

         "Pasensya na," reply ni Jilian na umupong katapat ang lalaki. Naka-corporate attire pa rin sya. "Busy lang magpaganda." With this, the guy chuckles. "What's your name nga pala?"

         "I'm Samuel," ang matipid na tugon.

         "Ah, Samuel!" Lumawak ang ngiti ni Jilian. "May kapangalan ka."

         "Talaga? Sino naman?"

         "Si Charles! Oo, tama. Kapangalan mo si Charles!" 

         Napatawa nang malakas si Samuel, kaya saglit napatingin sa table nila ang ibang customers ng Red Ribbon.

         Idinagdag ni Jilian, "Syempre, si Samuel kapangalan mo! Ano ba? Common sense naman."

         "You have a sense of humor."

         "And I'm Jilian." Inilahad nya ang kamay.

         Tinanggap ito ni Samuel para sa isang handshake. "I know."

         Napakurap si Jilian sabay bawi sa kamay. "Pa'no mo nalaman?"

         "Syempre, nakakabit pa name tag mo oh. Common sense naman."

         Pagkakita ni Jilian sa name tag nya, she giggles. "Nice, gumaganti! So why did you ask me out on this date?"

Seems Like We Never StartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon