She's back

2.7K 60 4
                                    

Jia's POV

Training day huhu nakakapagod sobra. So yun alam niyo naman na pinsan ko si jhow diba hahaha.

Normal day lang kami ngayong monday kaya super nakakatamaaaad :( training - class - training huhuhu kaiyak. Kasalukuyan ako ngayong nasa class, kasama ko si ells. Ayun natutulog ang pandak na baboy, wala tuloy akong kausap.

"Okay. Class dismissed. See you tomorrow" -Prof

Hay salamaaaat. Natapos din 'tong klaseng 'to. Magbibihis na nyan ako for training. Teka natutulog pa si ella. Ay leche tulog mantika pa naman 'to. Hmm alam ko na!! Binuksan ko yung pagkain ko sa bag at tinapat sa ilong ni ells HAHAHA

"Hmmmm" -Ells

"HOY PANDAK NA BABOY KA BUMANGON KA NA DIYAN AT BAKA MALATE TAYO SA TRAINING" bulyaw ko kay ells

"maka pandak na baboy naman 'to. Porket seksi ka lang -_-" pagmamaktol ni ells

"Wag ka na mag-emote halika na" -Me

"Teka hindi ka ba susunduin ni miguel?" -Ells

Oo nga palaaa

"Hmmm kasama niya yata si sandra yung pinsan niya e. So hindi yata" -Me

"Sandra? Yung magandang badminton player kumusta na pala yun?" -Ells

"Ayun may gf na yata e hahahaha di ko nga ineexpext na bi yun"

"Ano 'to chika minute? Tara na babe, malalate na kayo sa training hahaha"

Nagulat ako kung sino yung nagsalita, si migs pala. Nakakagulat naman siya hahaha

"Tukmol ka migs nakakagulat ka naman. Tara na nga" -Ells

Katapos nun tumayo na kami, pumuntang cr para magbihis. Tapos hinatid na kami ni miguel sa beg.

So guys kung di niyo alam kung sino si miguel, bf ko siya, malapit na kami mag one year pero alam niyo yun, di ko parin naramramdaman yung sparks/kilig. Ewan ko ba, kung sasabihin ko naman sakanya, masasaktan lang siya. Tapos sasabihin niya na ginawa ko siyang rebound, kasi nga naman naging kami after she left me.

"Babe, are you okay?" -Migs

Tanging tango lang ang sagot ko. Hanggang sa makarating na kami sa BEG. Di pa rin ako nakibo

"If you have a problem, nandito lang ako ha" -Migs

"Yes. Thanks" i said and tried to smile. Ewan ko ba parang may mali talaga sakin ngayon.

Nakipag beso na ako sakanya tapos pumasok na kami ni ella sa BEG.

Habang naglalakad kami ni ella para bang ang bigat talaga ng pakiramdam koooo ugh.

"Hoy juju para kang natatae dyan" sabi naman ni ella. Kaya nagulat ako 😑

Pero..

Juju
Juju
Juju
Juju
Juju

Paulit ulit sa utak ko yan. Yan kasi yung tawag niya sakin before. 😪 stop it jia!! Past is past hayyss. 

Tumigil ako sa pakikipag talo sa utak ko nang makapasok na kami sa BEG. Pagpasok namin yung dating ang gulo gulo naming teammates ay biglang natahamik. Huh anong meron? Yung para bang namatayan sila. Ganun yung istura nila nung nakita nila kami...

"Oh happy halloween? Anyare beshies?" -Ella

"Hi ells" isang pamilyar na boses.. unti unti syang lumapit samin ni ells.

Siya nga, siya nga! Bumalik na siya. Kung kailan okay na ako. Kung kailan nakalimutan ko na ang lahat ng sakit. Kung kailan hindi na ako umiiyak gabi-gabi dahil sakanya. Kung kailan nakalimutan ko na ang mga masasakit na salitang binitawan niya nung iniwan niya ako. Pero ngayon.. bumalik na siya, para bang bumalik na rin yung mga pangyayaring pagkahirap-hirap kong kalimutan.

Mahal pa ba nya ako? May bago na ba siya? Bakit parang ang saya saya niya. Siguro nga may mahal na syang iba. At hindi na ako yun. Ugggh stop it jia may bf ka na di mo na sya kailangang isipin.

"Hi ju--jia"

Nang marinig ko yung boses niya, biglang kumirot puso ko, parang ulit ulit kong naririnig yung mga salitang sinabi nya noon, magiisang taon na ang lumipas

Juju love, sa ngayon, kailangan kitang iwanan

Jia please pakawalan mo muna ako

Sana maging masaya ka habang wala ako

Salamat sa lahat

Ganun ganu lang ba yun? Babalik na lang sya bigla na para bang walang nangyari?

"Uy hi daw" -Ells

"Ay hi. Dun muna ako" pagpapaalam ko at umupo sa tabi ni jhoana

"Okay lang ba u insan?" -Jho

Hindi na ako sumagot, niyakap ko na lang siya. Alam niya na yun, alam na nya na di ako okay. Niyakap naman nya ako pabalik. Ngayon.. masakit pa rin talaga. After nun sabi nya ikwento ko daw bakit daw ba di ako okay haha. So yun ito na nga siguro yung time para malaman nya.

After kong ikwento kinomfort nya ako lalo. Ito yung gusto ko e. Kahit na lagi kami nagaasaran, we always got each other's back <3

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo na start na raw ng training e. So pumunta na ako sa position ko at nagsimulang i pag set sila. Lol malamang set, alangan dig, setter nga diba hays.

"Ji pataas konti"

"Ji palayo sa net"

"Bakit ang baba"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Ewan ba nawalan ata ako sa focus.

"Ji pahinga ka muna. Nandito naman si deanna e. Kailanga na rin siya i train" sabi ni ate ly sakin. Halata sa mukha nya na alam nya kung bakit wala ako sa focus. Kaya umupo muna ako sa bleachers at uminom.

Habang umiinom ako may biglang tumabi sakin.

"I miss you"

What the actual fuck. Ewan ko kung anong nararamdaman ko. Galit? Inis? Kilig? Saya? I dont know neither.

"Ano yun? Ganun lang para sayo? Parang walang nangyari?" -Me

"Jia, ilang buwan kong tiniis na di ka kasama, sa tingin mo ba masaya ako nung mga panahon na yun?"

"You left me"

"You don't know the reason jia" -Me

"You don't need to explain, malinaw sa akin na iniwan mo ako" -Me

"You didn't let me explain. Sarili mo lang iniisip mo that time, may sasabihin pa dapat ako but tumakbo ka palayo"

Naguilty ako sa narinig ko. Tama siya. Di ko sya pinakinggan. Di ko binuksan ang tenga ko para sakanya. Sarili ko lang ang iniisip ko.

"Now ji, kahit ngayon lang pakinggan mo ako... nung tumakbo ka, hindi ko nasabi na babalikan kita, di ko nasabi na ikaw lang, at wala nang iba akong mamahalin. Kaya ngayon huli na yata ako. Pinilit kitang balikan pero may bago ka na, at masaya ka na. Ayaw kong manggulo, kaya kahit mahal na mahal kita hanggang ngayon, handa kitang palayain maging masaya ka. Patawad jia, mahal na mahal kita"

Di ko alam ang sasabihin ko. Di ako nakasagot. Kaya tinignan ko lang syang tumayo, at maglakad palayo. Di ko na nakayanan. Bumuhos na ang taksil kong luha. Ang sakit sakit. Ang tanga ko kasi e. Kung sanang alam ko lang na babalik siya, sana hinintay ko siya. Puta ang sakit ano bang dapat kong gawin.

Michelle Kathereen Morente is back. She WAS mine.

************************************

A/N: hi guys. Sorry kung medyo na late yung update. And sorry kung walang JhoBea moments in this chapter hahaha abang abang lang :))




Heaven Knows - JhoBeaWhere stories live. Discover now