TPS #8.

4.1K 145 13
                                    

    ****

SHARLENE'S P.O.V

Apat na buwan. Oo, apat na buwan na ang lumipas. Time flies fast nga diba? Haha. Kung kamusta naman ako? Ito, alive and kicking pa rin. Anim na buwan na din pala simula nung lumipat sa klase namin si Nash. Ang bilis lang talaga, dinaig pa ng panahon si Flash.

"Sharlene! Nandito na manliligaw---este sundo mo!" sigaw sa akin ni Mommy.

"Opo, pababa na po. Saka ano naman pong manliligaw yan?" humalik ako sa cheek ni Mommy saka sumakay sa kotse nila Nash. Oo, sinasabay na ako palagi ni Nash sa kanya, ewan ko kung ano pumasok sa kukote ng lalaking 'to at palagi na lang akong sinusundo tuwing umaga. Umaayaw talaga ako nung una kaso mapilit siya. Utos daw niya yun bilang Prince-sident. Kamusta naman ang koneksyon non?

"Kamusta na pala si Kiko?" tanong niya sa akin pagkapasok ko.

"Ayun, nagpapagaling pa rin." Speaking of Kiko. Inatake kasi siya ng sakit niya at nawalan ng malay sa loob ng 3 araw kasi bigla ba namang bumalik nanay niya? Aish! Basta naaasar ako ngayon sa nanay niya! Balikan ba naman si Kiko pagkatapos ng 9 years? But nevermind, ang mahalaga okay na siya ngayon.

"Nga pala Sharlene, may party kami mamayang gabi. Pinapapunta ka ni Ate Jane." Oh, isa pa ding explanation 'to.  Medyo close na din kami ng Ate niyang ubod ng ganda. Totoo naman pala, si Ate Jane pala yung kinukuwento ni Nash na Ate niyang beauty expert. Mukha pa lang, ebidensiya na.

"Anong party? At saka bakit ako invited?"

"Basta pumunta ka na lang. Pinapapunta ka eh, tatanggihan mo ba si Ate?"

"Sige na nga, pupunta na ako." Nakakapagtaka naman. Ano kayang party yun?

    ****

Lunch namin ngayon. Nasa cafeteria ako. May ginagawa sa Council si Nash at absent nga si Kiko kaya loner ako. Sila naman kasing dalawa kasabay ko eh. Nung una nagbabangayan 'yang dalawa na 'yan pero di kalaunan, nagkasundo din sila. Thank you Lord!

"Hala! Paano ko na naman ibibigay itong regalo ko kay Nash?" rinig ko sa katabing table ko. 

"Buti na lang nabigay ko na kaninang umaga regalo ko." teka, mga fangirls 'to ni Nash? Nagbibigay sila ng regalo kay Nash? Ano meron?

"Imaginine mo yun, tumanda man ng isang taon Prinsipe natin, ang gwapo pa rin." Ano? Tumanda si Nash ng isang taon? Birthday ni Nash ngayon? Wala akong kaalam-alam ah!

    ****

Maaga akong lumabas ng campus. Tinatawag nga ako ni Nash kaso hindi ako lumingon at tumakbo na lang ako. Bibili ako ng pang-regalo sa kanya. Nakakahiya naman kasi, wala man lang akong regalo sa kanya at hindi ko man lang alam na birthday niya. Nakakahiya talaga!

May itim na kotse na huminto sa harapan ko at balak pa yata akong sagasaan. Mga driver talaga sa panahon ngayon oh. -_- Kaso ang kinagulat ko, may dalawang lalaking bumaba saka hinawakan ako sa magkabilang braso ko.

"Mga kuya! Bakit po?" tanong ko sa kanila kaso bigla nilang tinakpan bibig ko. Hala! Ano bang nagyayari dito?! Kumakalas ako sa pagkakahawak nila sa akin kaso kinaladkad nila ako sa loob ng kotse at tinali pa 'yung dalawang kamay ko. Kinikidnap ba nila ako? Lord! Help me!

"Nag-text na si Ma'am, bilisan daw natin." Sino ba 'tong mga taong 'to? Saka lntk! Ang bilis nilang magpatakbo ng kotse ah! Masasamang loob siguro 'to, magkano kaya ang hihingin nilang pang-ransom sa mga magulang ko? Huhuhu! Ayoko na! Magdadasal na lang talaga ako. :(

"Nandito na tayo. Hawakan niyo siya ng maigi." Kinaladkad na naman nila ako. This time, papalabas na ng kotse. Wow! Bakit sa salon nila ako dinala at hindi sa madilim na lugar? Ganun naman ang kidnapan ah? Saka "Gorg. Royalties" , ang pangalan ng salon, sosyal naman ng hideout ng mga holdaper na 'to!

The Prince's Spell. (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon