Chapter 3 - Getting Closer

23.1K 331 16
                                    




Ken's POV


Finally! Nakilala ko na rin sya. Well, maganda naman pala sya. Simple. Approachable. At laging nakasmile.



Hay.. Makauwi na nga. Umuwi na rin naman sila Vince at Mike. Si Shai naman, may samba (INC kasi sya) kaya maaga syang umuwi.




Habang naglalakad papunta sa sakayan, nakita ko si Jake (kaklase ko) at ang mga katropa nya. Tawanan lang kami sa daan dahil sa sobrang katripan nila.




Hanggang sa. . .





May nabangga ako.






"Ay! Sorry miss" -ako






pagharap niya, bigla akong napalunok nang makita kong..







Si Sam pala yun!



Nako patay. Kailangan ko talagang magsorry at baka ano pang masabi nya.




"Woah! Sam! Ikaw pala yan. Sorry ah. Di ko sinasadya. Sorry times ten raised to infinity" -ako




tumawa sya. At tumawa rin ako.




"grabe ka kuya hanggang dito ba naman dala dala mo pa rin ang pagkaMATH NERD mo. Hahahaha" -Sam




Tumawa lang ako at nagsitawanan rin sila Jake.

Jologz talaga tong mga to oh. Pati ako pinagtitripan.



"Loko ka Ken, manliligaw ka na nga lang gagamit ka pa ng Math" -Mark



"huh? Nagsorry lang nanliligaw na agad?" -ako



lalo pa silang tumawa ng malakas at nagpaalam na.


"Sige Ken, una na kami. Baka nakakaistorbo kami sainyo" -Kier



tumawa lang ako at nagpaalam na din sa kanila.
Si Sam naman, pangiti-ngiti lang sa tabi.



"Uuwi ka na ba? Sabay na tayo?" -ako




"Opo kuya, sige po" -sam




nakaupo na kami sa jeep. Dun kami sa dulo malapit sa driver.



"bayad po, dalawa po" -ako



maglalabas na sana sya ng pera pero pinigilan ko sya.



"wag na. Pinambayad na kita" -ako




"ay kuya, nakakahiya naman po. Salamat po" -Sam







Sam's POV

Sign na ba to na may pag-asa ako sa kanya?

Una, sinabayan nya kong umuwi.

Pangalawa, pinambayad nya ko sa jeep.

At pangatlo, nakipagkwentuhan pa sya sakin.




"kumusta naman ang pag-aaral mo?" -Ken



"ok naman po kuya. Enjoy po kahit medyo mahirap" -ako



"mabaet naman ba yung mga teacher nyo?" -Ken



"yung iba po masungit. As in super. Pero karamihan naman po mababait ^_^" -ako



ngumiti lang sya at nagside view para sumilip sa bintana.

Side view na nga gwapo pa rin! Oveeer talaga ang kagwapuhan nya. Lahat ng girls dito sa jeep nakatingin sa kanya. Pati nga boys eh. Swerte ko talaga dahil ako lang ang katabi nya since nasa dulo sya. :-P




Bago ako bumaba, nginitian ko sya at sinabing...






"kuya, akala ko po dati suplado kayo. Di naman po pala" -ako






"sabi nga rin nila." -Ken


Nagfull smile sya at nagbabay na.


Pagbaba ko ng jeep, di ko pa rin makalimutan yung mukha nya nung nagbabay sya. Halatang halata sa mga mata nya na masaya sya.


Syempre mas higit akong masaya. Ikaw ba namang makasama, makatabi, at makausap si Mr. Perfect. . Sino ba namang di kikiligin dun diba? ^_^




halos araw-araw kaming nagkikita at araw-araw nya din akong nginingitian.

Alam kong ganun din sya sa ibang humahanga sa kanya. Pero atleast nakapuntos na ko at alam kong magiging malapit pa kami sa isa't isa.




:-D:-D:-D

Kathniel--- WHY ME???Where stories live. Discover now