SITAW 5 ♥

824 6 0
                                    

SITAW 5:

Vice Pogi's Point of View

Kapag talaga nakita ko yung Dingdong na yun papatayin ko siya >______<

Sabihin ba namang mahal pa si Kurba ko?! >____<

"Tulala ka nanaman, Vice." Sabi ni Bb. Kurba habang kinakain yung dinala kong pancakes. Kasi naman eh. Ang tahimik na ng buhay namin tapos biglang susulpot 'tong mushroom na Dingdong na 'to :\

"Ay nako. Papatayin ko talaga siya! Nakakabwiset! >__<" 

"I thought okay na tayo? Atsaka, hindi naman yun makakalapit sakin basta nandyan ka. Diba nga sabi mo sakin ipagtatanggol mo ko?" Sabay ngiti niya sakin tapos niyakap niya ko. 

"Oo nga. Pero...nakakainis lang kasi eh."

RIINGG.

"Hello? Sino 'to?" Kinuha ni K yung cellphone niya sa bag sabay 'hello' dun sa tumatawag. 

BB. Kurba's Point of View

"Hindi mo na ba ko kilala, K?" Sabi nung tumawag sakin. Teka, sino ba kasi 'to at bakit siya tumawag? Pa'no niya nalaman yung number ko?

"Sino ka ba--" Napahinto ako nang makilala ko yung boses na kausap ko. Napatingin ako kay Vice na kumakain ng pancakes. "DINGDONG?!?!" O_O

Halos mabulunan si Vice nang marinig niya kung sino ang kausap ko. 

Hinablot niya sakin ang cellphone ko at biglang sinigawan ang nasa kabilang linya.

"HOY! SINO KA PARA TAWAGAN SI KARYLLE, HA?!?!!!! GUSTO MONG MAMATAY?!?!!!" 

Sigaw ng sigaw si Vice. Halos hindi na niya pinagsalita si Dingdong dahil sa bilis ng pagsasalita niya. Binabaan niya si Dingdong tapos hinila ako palabas ng bahay. 

"O-oy! Teka! Saan tayo pupunta?!" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ko sinagot at pinasakay lang ako sa kotse niya. Nagmaneho siya at inabot yata kami ng ilang oras sa pupuntahan namin. 

---

Nagising ako sa kotse ng mag-isa. Hinanap ko agad siya at napansin kong nasa labas na siya ng kotse habang nakaupo sa ilalim ng puno. Sa totoo lang nag-aalala na din ako para sa kanya. Napasama pa siya sa gulong nangyari sa nakaraan ko. Pinagmasdan ko muna siya at parang ang lalim masyado ng iniisip niya. Hindi nagtagal ay bumaba na ko sa kotse at naglakad papunta sa kanya. 

"Ayaw na kitang gisingin kanina kaya nauna na kong bumaba ng kotse." Sabi niya ng hindi tumitingin sakin. Nakatitig lang siya sa malayo. 

"Okay ka na ba? Sorry ha. Dahil kay Dingdong nasaktan ka pa tuloy." Naupo ako sa tabi niya at naglean sa shoulder niya. 

"Boyfriend mo ako eh. Dapat lang na protektahan kita sa bwiset na yun :\" 

"Thank you ha. Sa lahat lahat. Pero hindi mo naman talaga kailangan gawin yun. Baka mas lalo ka pang mapamahal sakin. Mahirap na kasi malay mo wala na ko sa susunod na buwan o sa isang araw."

"Ha? Ano bang sinasabi mo K? Aalis ka ba?!" 

**

Nyehehe. 

SITAW 6 >>

*I Found My Smile Again* --ViceRylle Story!! ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon