Maraming Salamat Po! [ABCastueras]

3.4K 71 19
                                    

Hindi ito istorya - no bela - update. Isa lamang po itong pasasalamat sa lahat ng nagbasa at suporta sa aking mga katha mula umpisa hanggang sa ngayon. 

2010 po ng una akong  makapasok sa mundo ng wattpad. Isang curious na nilalang sa mundo ng mga tao. Aking natuklasan ang iba't-ibang istorya na, maging ako, at nahumaling din. Ngunit - datapatwat - subalit! Sa kadahilanang dumating sa puntong stress ang Dyosang ito, akin pong pinindut ang "SAVE&PUBLISH".

Isang malaking katuwaan, diyan nag-umpisa si "berna3gurl"

Ang kwento sa likod ng unang istoryang ating pinagsaluhan na "FBBF" ay nag-umpisa sa malaking kalokohan KO at ng mga kabarkada ko. Siguro magkaka-idea ka na kung ano ito kung nabasa mo na ang FBBF.

Masayang-masaya ako sa bawat reads na natatanggap ko, sa bawat comments na nabubuo niyo, at sa bawat share na ginagawa niyo. Itinuring ko itong ginto sa bawat araw. Corny man, ngunit ito'y pawang katotohanan lamang. 

Sa paglipas ng panahon,  marami po akong nakilalang mga taong nagdagdag ng kaligayan ko sa mundong pinasok ko, ang Wattpad. Pasasalamatan ko po kayo...

UNA - Sa mga readers na nagbukas ng bawat chapter ng istorya ko. Maraming maraming maraming unending na pasasalamat po ang ibibgay ko sa inyo. Ginawa kayong tulay ni Lord para makamit ko, hindi man agaran, ang pangarap ko na makagawa ng isang istorya na mababasa ng ilan sa pamamagitan ng isang librong nakikita sa bookstores. Alam ko, isang mababaw, corny, LANG, hindi perfect, hindi maiihilera sa kung ano man ang sikat na istorya ang istoryang nailimbag ko sa ngayon, pero alam kong minsan din akong nakapag-bigay ng ngiti at halakhak sa mga taong bored, malungkot, nag-iisa sa buhay, heartbroken, kakabreak lang, NBSB, at malalanding nilalang na may boyfie - girlfie - hubby - wifey na, mga estudyanteng nagsusunog ng kilay, atbp. Maraming salamat dahil sa kabila ng imperfections nito sa wattpad, sinamahan niyo ako hanggang ngayon. Salamat po dahil sa kabila ng pagkukulang ko as a writer, tinuruan niyo akong mag-improve bawat araw, bawat istoryang aking isusulat sa pammagitan ng hindi pang-aaway sa'kin kapag di ako makapag-update... kung may mali man sa mga sinusulat ko [na lagi naman] hindi niyo ako binabash ng todo at bagkus ay sinasabi niyo ito sa maayos na paraan... at sa tanang buhay ko sa wattpad - hindi naman po ako nakatanggap ng mga echoserang haters. Maraming salamat po.Makaka-asa po kayo na marami pa tayong istoryang pagsasaluhan. Hangga't may brain pa si Manager, patuloy po akong gagawa ng istorya. Hindi para kumita tulad ng sinasabing pambabato sa'ming nakapaglimbag na, though hindi naman po kasi maiaalis ang isang bandang iyon kung sakaling magpublish kami, pero gagawa ako ng istorya para sa passion ko sa pagsusulat na sana naramdaman ninyong mga readers sa bawat letrang nababasa niyo. 

Sa bawat pagpapagod, pagpupuyat, pagbabasag ulo ko kapag wala akong maisip, sa bawat sigaw ko para makakuha ng ideas, sa bawat pananahimik ko sa social networking sites dahil sa pagtatype ng update, kapag napapagalitan ako dito sa'min dahil hindi ako natutulog matapos lang ang tinatayp ko... Hindi ko pinagsisisihan ang lahat-lahat. Na-enjoy ko ang bawat chapters na ginagawa ko, para sa'ting lahat. 

Thank you very much from the bottom of my Dyosang heart.

PANGALAWA - Sa mga Admins ko. Masasabi kong wala ako rito kung wala kayong tumulong sa'kin sa bawat pagpromote ng istorya ko. Nangingiyak ako ngayon, hahaha! Dahil sa sobrang saya ko dahil natagalan natin ang isa't-isa. Kung bossy man po ako minsan sa mga pinagagawa ko, pagpasensyahan niyo na po ako. Kung sakali mang may na-hurt ako ng feelings sa inyo, Sorry po. Kung sakaling 'di ko kayo nabigyang pansin, if ever - duh~ , magpapansin ka kasi lagi. haha. Pero serious, salamat dahil alam ko na kahit anong mangyari, batikusin man ako ng kahit sino... alam kong may admins akong nasa TABI KO, karaniwan nasa HARAP KO pa at hindi nasa likod. Sa bawat hinaing ko, ka-artihan ko, kadaldalan ko, thank you guys natagalan niyo ako. Mas dakila kayo kaysa sa'kin dahil nabigyan niyo ng oras ang isang tulad kong isang hamak na manunulat lamang. Hindi kayo admins, na lagi kong sinasabi, barkada ko kayo - kaibigan - pamilya na alam kong tatakbuhan ko sa oras na malungkot masaya eksayted blessed ang Manager na tinatawag niyo. Super salamat po, hands up and down ako sa inyo. Kitakits nextyr! 

PANGATLO - Sa mga operators ng REAL ACCNT at maging FAN_ACCNT. Isang napakalaking thankyou sa inyong lahat. Isa kayong buhay na bayani! haha. Tinulungan niyo akong bigyang buhay ang mga karakter sa istorya ko. Real man of Fan_accnt yan, parepaerhas lamang kayong nagbigay tulong sa'kin para ipromote ang istoryang kinahiligan niyo. Nawa'y maasahan ko na andyan pa rin akyo hanggang nextyr! sama-sama tayo sa mga susunod na istorya, events, at kung ano pa. Hands up sa lahat ng masisipag na account! Sa oras niyong nilaan sa characters ko, walang katapusang pasasalamat!

Hindi ko po alam kung hanggang kailan ako magsusulat, ang alam ko lang ay patuloy akong magpapasalamat, sa inyo, sa bawat nakakamit ko ngayon.

Dumating man ang bagyong pilit akong pababagsakin, isa lamang silang alikabok na patuloy kong wawalisin, pupunasan, at kakalimutan. At kung sakaling may susunod na alikabok na darating... my walis is oh so ready! 

Sa mga kaibigan ko, hindi niyo man 'to nababasa... hindi man tayo nagkaka-usap ngayon... dito lang ako magkakalakas loob na sabihing miss na miss ko na kayo. Sorry kung may pagkukulang man ako, sorry kung sakaling nagbago man ako, sorry sa lahat ng pwede kong magawa. Wala man akong lakas ng loob na sabihin sa inyo ngayon ang lahat ng 'yan, alam ko na darating ang panahon... magkakasama ulit tayong tatawa sa bawat kalokohan natin. Gusto ko na ulit kayo maka-bonding - guys! Kahit anong mangyari, ako pa rin si Berna na handang dumating isang tawag mo lang. Sana masaya kayo sa achievements na natatanggap ko ngayon. 

Ngayong birthday ni Lord, natutunan ko na magpasalamat sa lahat ng tumulong na maging masyaa ang taon ko. Maraming salamat po sa inyong lahat.

Nawa ay 'wag nating kalimutan na ang kahalagahan ng araw na ito ay ang pagkabuhay ng sanggol na takdang mamatay para sa pagkabuhay ng bawat nilalang sa mundong ito. Maraming salamat sa kaniya at magkakasama tayo ngayon. 

Merry Christmas and a Happy Newyear! 

From: ABCastueras/Manager/berna3gurl/ABCDyosa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maraming Salamat Po! [ABCastueras]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon