Chapter 50

5.3K 175 6
                                    

Maine's POV

Kagabi pa nagpropose sakin si alden pero hanggang ngayon kilig na kilig parin ako haha! Alam mo yung feeling na parang ikaw yung pinakamagandang babae sa balat ng lupa? Ganun mga bes! Sobra sobra yung saya ko! Hindi ako nagkamali na bigyan ng pangalawang pagkakataon si alden. Araw araw pinapasaya niya ko, pinipilit niyang mag jokes mapatawa lang ako kahit ang korni naman haha! Nag aral siyang magluto para mapagluto ako palagi. Haaaay! Sino ba naman mag-aakala na yung crush na crush ko dati, na pinapanood ko lang sa tv ngayon fiance ko na? Sobrang blessed ko to have a man like him. I know he will be a good father to our children.

Haaay ang jinet sa labas!! Nakakaloka! O bakit mo ko pinapunta ditey?

Nakangiti lang si maine ng sobrang ngiti.

Anong meron ha?!!!

Dahan dahang pinakita ni maine yung daliri niya kay stephen

Waaaaaaaaaah!!!! OH MY GHAD BAKIT KA MAY SINGSING?!!!!
Hahahaha

Nagpropose na saken si alden bhessy!!!!!!

Waaaaaaaaaah!!!

naghawak sila ng dalawang kamay at sabay nagtatalon talon.

Patingen nga bakla ka!!! Waaaaah! Nakakaloka!

Pinakita naman ni maine yung kamay niya.

So kelan ang kasalan ha?!!

Hmmm after 2 months??

Oh my malapit na!!!

Yes!

Abot tengang ngiti ni maine.

Teka ako made of honor aaah.

Ano?!!! Ayoko nga! Sabay irap ni maine. Mamaya talbugan mo pa ko e!

Hahaha! Well! Mas maganda naman talaga ko sayo noh! Sadyang ginayuma mo lang s alden kaya pakakasalan ka niya!

Hahahaha! Gayuma your face! Inggit lang kasi ikakasal na ko sa isang hot papa. Hahaha

Inirapan lang siya ni stephen sabay bumulong feeling niya ang ganda ganda niya pwe!

Hoy narinig ko yun aah!

Hahahahaha! Wala kong sinasabi noh!

Ngumuso nalang si maine. Maldita talaga ang bhessy niya at sanay na sanay na siya dito.

---------------------------------------------

After 1 month

Papunta si alden at maine ngayon sa venue nung kasal nila. Church wedding yung napili nila.

Excited na ko mahal!

Nakangiting sabi ni alden

Ako din!

Hmmm ilan bang anak gusto mo?

Anak agad?!!

Hahaha nagtatanong lang ako mahal.

Hmmm ikaw muna ilan gusto mo?

Ako? Mga lima.

Lima?! Ang dami naman!

Ganun talaga para marami tayong chikiting!

Hoy mahirap manganak aah!

Hahaha! Kayang kaya mo yan mahal!

Sira! Bahala ka. Dalawa lang yung gusto ko.

Aay ang konti! Mag lima nalang tayo mahal please?

A-yo-ko

Nagpacute si alden. Natawa naman si maine

Hahaha tama na yang pacute mo! Nandito na tayo oh.

Sinabi na nila sa wedding planner yung gusto nilang design ng simbahan. Nakausap narin nila yung paring magkakasal sakanila. Nakapagpatahi narin sila ng damit at hinihintay nalang na matapos ito.

-------------------------------
1 week before the wedding

Umuwi na from singapore ang daddy ni alden at si angel.

Nandito sila ngayon sa bahay ni alden at hinihintay ang pagdating nila.

Dad!

Anak! How are you??

Kuya!!!!!

Niyakap naman agad ni alden ang kapatid.

Hi iha

Bati ng daddy ni alden kay maine.

Hello po.

Medyo nahihiya si maine kasi umalis siya noon na di nakapagpaalam sa daddy nito.

Haaaay! I'm so happy! Finally! Ikakasal na tong unico hijo ko! At magkakaron narin ako ng mga apo! hahaha

Dad talaga!

At masaya din ako kasi si maine yung mapapangasawa mo. Sinasabi ko na nga ba at kayo yung magkakatuluyan. Noon pa man boto na ko sayo haha!

Natawa naman si maine.

Welcome to the family iha.

Salamat po tito.

Ay bakit tito?? Call me daddy or dad.

Thank you po dad.

Nakangiting sabi ni maine.

haaay sa wakas may ate narin ako!

Nakangiting sabi ni angel.

Kasi nakakabored kasama si dad sa bahay lalo na si kuya.

Medyo malditang pagkasabi nito.

Sa wakas din may baby sister na ko.

Niyakap nila ang isat isa, mukhang close na kagad sila.

------------------------------------

After ng dinner naglatag ng banig si maine at alden sa labas malapit sa pool at nag star gazing.

Humiga si maine na braso ni alden ang gamit na unan habang nakayakap siya dito.

Next week gabi gabi na tayong magkasamang matutulog mahal.

Oo nga e! Haha maririnig ko na yang hilik mo gabi gabi! Hahahaha

Oy grabe ka! Minsan lang ako maghilik kapag pagod na pagod ako.

Hahahaha! Joke lang mahal! Okay lang sakin kahit gabi gabi ka humilik basta ako katabi kita sa pagtulog.

Teka kinikilig ako! Payakap nga!!!

Niyakap naman ni alden si maine.

Thank you mahal aah.

Para san naman?

Kasi pinayagan mo ko maging parti ng buhay mo. Pumayag kang magpakasal sakin. Siguro maraming nagsasabi na ang swerte mo sakin na papakasalan kita kasi gwapo ako mayaman, may talent haha! Pero ang hindi nila alam ako yung mas swerte sayo. Mapapangasawa ko yung tanging babaeng nagpapakilig sakin, nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Yung babaeng dahilan ng pagngiti ko.

Aysus! Ang drama drama naman ng bebe ko! Hahaha! Ano ka ba! Tama sila napakaswerte ko sayo! Hahaha kaya nga feeling ko ako yung pinakamagandang babae sa buong universe haha!

Ikaw naman talaga ah haha!

Bolero ka talaga!

Hahahahahaha

Hahahahahahaa

---------------------------------

Muntik na kong di makapag update haha! Pasensya na po sobrang busy talaga. Parent teacher conference na kasi namin sa sabado so ang daming tinatapos. Hehe! Next..... epilogue.

The ONEWhere stories live. Discover now