Oh! Edi Inamin Mo Din! (oneshot)

63.5K 1.5K 233
                                    

"Women are like police, They can have all the evidence in the world but they still want a CONFESSION"

 

"Ehhhh!!! Sige na!!! Adrian, tulungan mo na kami! Sige na please! PLEASE! PLEASE! PLEASE!" eto ako ngayong nag mamakaawa  para lang tulungan ako sa plano ko..ay namin pala ng mga kaibigan ko....Na...

"Para namang tanga Ash! Kase naman ang daming lalake baket ako pa?!" reklamo naman niya

"Kase nga close tayo...CLOSE...Saka pinagkakatiwalaan kita eh..Saka mag PINSAN naman tayo eh! Saka PARA NAMANG WALA TAYONG PINAGSAMAHAN NETO!" singhal ko sa kanya... SOBRANG DESPERADA na po kasi talaga ako.

"Jusko! Ano toh! Nag sumbatan na tayo ngayon dito?! Saka andami nong SAKA ah!" sagot nyang natatawa-tawa pa.

Bwisit tong pinsan kong toh oh!

Ano ba?! Kailangan kong mapapayag to eh! Isip! Isip!

*ting*

BRIGHT IDEA!!!

"Ahhh... Adrian pinsan! Tulungan mo ako, tapos ilalakad kita kay Camille!" sabi ko sa kanya ng nakangisi

Bigla namang nagning-ning yung mga mata nya... Na para bang nanalo sya sa Raffle

"Talaga?! Sige na payag na ako! Basta ilalakad mo ako kay Camille ah!"

Tae! Tae tong pinsan ko! Si Camille lang pala katapat ng ugok na toh! 

 Pero akong pinsan nya nakaya nyang tiisin..Tapos nung nabanggit ko si Camille isang sabihan lang pumayag na agad!

"Opo! Basta ah! Yung plano ah!"

"OO na! Basta para kay Camille ko!" sabi niya na para bang nag iimagine pa. May sapak na talaga sa utak at puso tong pinsan ko.

"OO NA!" sagot ko sabay alis sa kwarto niya

Sabagay ako rin naman malakas din ang sapak ko kay Lian eh.

Yieeehh!! Yung Lian ko...Lian ko? Assume pa! 

 Si ano nga pala, Si Lian ko? Siya yung hindi masyadong heart throb dito sa school namin.. Pero may mga nagkaka crush din sa kanya na ibang years.. tapos ano hindi sya ganun ka gwapo.. MAAPEAL siya, Magaling SUMAYAW, makulit, Chinito eyes, Tan yung kulay niya tapos.. AY! Hindi ko na pala siya ididescribe sa inyo mamaya agawan nyo pa ako eh... Hehehehehe

KINABUKASAN

SCHOOL

"Oh ano ready ka na ba?" - Anna

"Gosh! Excited na ako!!!" - Paola

"Ano kaya magiging reaction nya?" - Camille

Oh! Edi Inamin Mo Din! (oneshot)Where stories live. Discover now