Chapter 1

103 3 2
                                    

I wake up na parang dala dala ko ang buong mundo. Mukhang may sakit ako, nakakainis naman hindi yata ako makakapasok ngayon. Hayaan na wala naman akong quiz and wala naman sigurong masyadong ma mi-miss eh.

Tiningnan ko yung cellphone ko na nakapatong sa desk. 8:00 A.M. na pala. Haay...mukhang na late din ako ng gising well baka ito na ang dahilan para magkaroon ako ng isang bakasyon matagal tagal na din eh.

Bago pa man ako makatayo ng kama ko, napaluhod ako. Mukhang mas grabe ang lagay ko kaysa sa inaakala ko. Anu ngayon ang gagawin ko? Wala naman akong kapamilya na mag-aalaga sa akin i’m on my own.

Nakatira ako sa isang maliit na apartment Php. 3,000.00 ang upa bawat buwan medyo mahal din kaya doble ang trabaho ko. Ayaw kasing pumayag ng magulang ni Nathan na tumira ako sa isang compound ayaw nila ng marami akong kasama baka kasi kung anu daw ang mangyari.

Niyaya na din ako dati ng parents ni Nathan na tumira sa kanila kasi nga daw magiging ligtas at magkakaroon pa sila ng kasama. Pero i refused. Hindi dahil sa pride pero siguro dahil sa independence.

Gusto kong makayanan ang lahat by my own para kung maging kami man ni Nathan hanggang dulo maipapakita ko sa kanila na hindi ko siya sinagot dahil sa pera at popularity niya pero dahil mahal ko siya.

Alam kong hindi ako dapat nag-iisip ng ganitong bagay pero anong magagawa ko i really thought that he is the one.

Napahiga ulit ako sa kama. Hilong hilo ako.

Kinuha ko yung cellphone ko at nag dial ako sa mama ni Nathan, kung si Nathan ang tatawagan ko malamang nasa P.A. niya ang cellphone, naka off at kung suswertihin na nasa kanya magmamadali ditto yun at masisira nanaman ang schedule niya dahil sa akin.

“Hello, Rhea napatawag ka?”, sagot sa akin ng mama ni Nathan.

“Tita sorry po sa abala but can you please visit me masama po kasi ang pakiramdam ko,” sabi ko kay tita Christine.

“Naku anak ano nangyari sayo sige pupunta ako diyan sasama din daw ang tito mo tatangayin ko na din ang family doctor naming intayin mo lang ako mahiga ka lang diyan,” sabi sa kin ni tita.

Tumawa muna ako dahil sa sinabi ni tita na tatangayin kapag kasi sinabi niya yun sigurado tatangayin niya yun na parang kinakaladkad.

Maya maya pa may kumatok sa pintuan kung ganito sana magulang ko na nagmamadaling pumunta sa akin ang say asana ng pakiramdam. Hindi na ako tumayo para buksan ang pintuan may sariling susi sila tita kung gusto man nila kasing pumunta at bumisita makakapunta kaagad sila sa bahay kahit na hindi ako intayin.

Inakap ako bigla ni tita pagkakita pa lang sa akin.

“Alam mo bang pinag-alala mo ako simula ngayon sisiguraduhin kong wala ka ng part time job,: sabi sa akin ni tita gustuhin ko man tumutol alam kong walang mapupuntahan yun.

Pag gising ko nasa malaking kwarto ako and katabi ko si tita hawak hawak niya ang kamay ko sa kabila naman si tito Mark.

May nakakabit din sa akin na dextrose mukhang malala nga ang lagay ko kanina. Nagising si tita.

“Buti naman gising ka na, pinagalala mo kami ng tito mo alam mo ba yun. Buti nga lang at dehydration lang ang sakit mo eh kung mas malala baka sakalin kami ni Nathan dahil pinababayaan ka naming mag-isa” sabi sa kin ni tita.

Normally mag bu-blush ako pag ganito ang statement ni tita pero ngayon hindi.. hindi ko naman kasi maramdaman yung pagmamahal niya kagaya ng dati. Aaminin ko inexpect ko na pag gising ko nandito si Nathan pero dapat pala hindi ako umasa.

Minsan iniisip ko mabangga kaya ako ng sasakyan or mahimatay sa daan pupuntahan kaya ako ni Nathan kaagad? Or uunahin muna niya ang trabaho niya.

“Sinabi ko nga pala kay Nathan ang nangyari sa’yo,” sabi sa akin ni tita.

Nang marinig ko yun ang bilis ng tibok ng puso ko inaantay kong sabihin ni tita yung kasunod...tumingin ako kay tita. Naglabas siya ng emotion na parang naawa at nag e-encourage na lumaban and to stand strong.

Yumuko ako, I knew it palagi na lang ganito....

Ako ang dapat mag-intay sa kanya at umasa na isang araw pupuntahan niya ako, maalala at kakalimutan ang trabaho niya. Hindi naman ako demanding I just need the only person in my life I completelty entrust my heart pagkatapos mawala ng parents ko.

“Ma!!!!!! Pa kamusta na si Rhea?” nagmamadaling tanong ng taong nagbukas ng pinto ng mabilisan.

Napatingin ako at nanlaki ang mata ko. Nagising si tito Mark at ngumiti si tita.

Nandito si Nathan..nandito siya pinuntahan niya ako.

Pakiramdam ko sobrang tagal na naming hindi nagkita namiss ko ang malambot niyang buhok, ang scent niya. Hanggang ngayon gwapo pa rin siya. Sobrang gwapo na lahat ng babae kinikilig kapag nakikita siya at nagpapasalamat akong sinuwerte ako.

Nag ka eye contact kami hanggang sa ngumiti siya at tumakbo papunta sa akin niyakap niya ako sa gilid. Inakap ko din siya. Na miss ko siya ng sobra. Napansin kong umalis na din si tita at tito. Kaming dalawa na lang ang natira.

Bumitaw siya sa pagyakap then he looked at me with worried eyes. “Ayos ka na ba? Wala ng masakit sayo?” tanong nya.

Ngmiti ako tapos umiling. Ang tagal kong hindi siya nakasama. Haayy.........

Inakap niya ulit ako at tumabi sa akin sa kama malamang naramdaman niya rin ang pag kamiss ko.

Kinuwento niya sa akin na pag karinig pa lang niya sa sinabi ng maam niya tumakbo na siya plabas ng photoshoot wala na daw siyang pakielam kung mapagalitan siya ng manager niya basta daw Makita ako. Kilig nanaman ako.

Ang saya ng ganito walang problemang iniintindi sana nagkasakit na ako dati pa eh de sana kasama ko siya ng times na I almost decided to break up with him.

Kinantahan pa nga niya ako ng You And I. Kakilig..napakaganda talaga ng boses niya.

Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon