I looked away

15 0 0
                                    




♪ guitar strumming... scrolling through my cellphone.... ♪

Nagising ako sa alarm ko, yes masyadong mellowish yung kanta, cause light sleeper lang ako. pinatay ko na yung alarm ko, ginawa ko na din yung routine ko every morning. Its been 1 year 2 months 5 weeks 1 day since nung nag break kami.


Nakakainis na nga ehh hindi parin ako maka move on. What is move on ang peg ko. Paki turo nga sakin yun wala kasi sa bukabolaryo ko.


Tapos na ko mag- ayos ng sarili ko, ready na ko pumasok. Nag bus ako papuntang taft and then nag lrt ako para mas mabilis. You know naman laging traffic pag nasa taft na. Buti nalang may mabait na nilalang at pinaupo ako at kaschoolmate ko pa pala yung katabi ko. umidlip muna ako, nasa Gil Puyat palang naman ako.


Nagising ako dahil sa katabi ko, hindi ko sadyang makatulog sa balikat niya. pero bastos siya haa bigla nalang tumayo, muntik na tuloy akong mahulog. Nasa Central na pala kami kaya tumayo narin ako. mahabanghabang paglalakad nanaman. Ay si kuya na katabi ko kanina sumakay ng pedicab na lagi kong nasasakyan.


"oh Ericka sabay ka na"

"Di na kuya, nakakahiya sa sakay mo"

"Ok lang miss, sabay ka na."

"oki sabi mo ehh"


Sumakay na ako at binunot ko yung wallet ko, tinignan ko kung may barya ko kaso wala. Tinignan ko naman yung katabi ko nagkakaamot ng ulo habang nakatingin sa coin purse niya.


"wala pala akong barya" bulong niya, sapat na para marinig ko.

"kuya boy pwede stop mo muna sa may mcdo bili lang akong breakfast mag 6:30 palang naman ehh." tumingin ako kay kuyang katabi ko "ay kuya ok lang ba? wala kasi akong kain at barya eh"

"Ok lang wala din ako, sama nalang ako sayo bumili."

Bininaba kami ni kuya boy sa mcdo. pumila na kami buti nga maikli lang yung pila.

" uhmmm isa nga pong cheesy eggdisal with ham and orange juice."

"Kuya ikaw ano sayo?"

"Ha? nakakahiya wag na."
"Ok lang , ngayon lang naman ehh tska para mabaryahan yung pera ko"

"Di ok lang talaga."

"Pero ano ba oorderin mo?"

"Yung katulad ng sayo nalang"

"2 orders of cheesy eggdisal with ham and orange juice that will (basta yung price)"

Biglang naglapag si kuyang katabi ko ng 500 pesos.

"Ayy ang daya, sabi ko ako magbabayad."

"Ako kasi yung lalaki dapat ako magbayad at nakakababa ng pride hahaha" natawa nalang din ako

"Basta pag may next time ako naman magbabayad ha"

"Ano nga pala pangalan mo kuya?"

"Ako nga pala si Kris. Kris Vergara"

"Ericka. Ericka Perez" Nagsmile kami sa isa't-isa. Sumakay ulit kami kay kuya boy at bumaba sa tapat ng school.

"Sige dito na ko haa. ikaw san ka?"

"sa taas pa. sige ingat ka"

"sige. see you when I see you"


Habang naglalakad ako kumakain ako. Nakarating na ko sa classroom, onti palang kami nandito. So habang kumakain ako nag online na lang din ako. May nag friend request sakin si Kris Vergara. Tinignan ko yung profile niya. Ang gwapo talaga niya. Hindi naman kasi ako makakalimutin, alam ko siya yung kuyang kasama ko kanina. Inaccept ko yung fr niya. May nagchat, si Kris.


One ShotsWhere stories live. Discover now