Epilogue

26 10 0
                                    

[Taeyeon's POV] FIRST POV :)

"Ma, punta lang po kila Kuya Xiumin. May sasabihin lang ako." Sabi ni Bomi at lumabas nalang ng pinto. Aangal pa sana si mama kaso nakalabas na si Bomi.

"Yong kapatid mo na yun, di pa ako sumagot lumayas na. Papabili pa sana ako ng suka e." Sabi ni Mama habang pailing iling.

"Tsk. Ako nalang po bibili ng suka pa." sabi ko at tumayo.

"Hindi na anak, bukas nalang pala."

Okay Fine. Paasa much naman si Mama.

"Ah sige po," sabi ko na may pag ka disappointed.

Gusto ko makita si Byun kaso walang kasama si Mader pag umalis ako. Kasi naman si Bomi inunahan pa ako. FYI, gusto lang niya makita si Sehun. Tsk!

"Ma akyat na po ako," Sabi ko kay Mama. Tumango naman ito at pinag patuloy sa pag luluto..

Humiga agad ako sa kama ko at pumikit. Kapagod this week kasi naman malapit na ang graduation. Tsaka stress din ako kasi hanggang nagyon di pa sinasabi ni byun yung liligawan niya. Kaibigan niya ako diba? So, karapatan kong malaman yun.

Pwede bang mag selos kahit konti lang? Friend Jealous ba?!

Umupo ako at kinuha yung phone ko. I'll text baekla para naman di ako mabored. Namimiss ko na kasi siya e..

Nang masent ko yung tex ko, automatic na nag home. Napangiti ako ng makita ang wallpaper ko na kasama si Byun.

Mga ilang minuto lang nag reply na siya.

From: My Byun :)
  
Hi Taegoo :*

Ngiting happy naman ako, syempre. Nag reply naman agad ako. Syempre ayoko ng binabalewa kaya ayaw ko na gawin sakin yun ni Byun.

Me: Kamusta?

Byun: Ice lang naman. Ikaw ba?

Me: Okay lang din, Kailan mo liligawan yung lucky girl?

Kasi naman di talaga ako mapakali. Naiinis ako kasi may kahati na ako sa puso ng bestfriend ko!

3 minutes past..

Bakit ang tagal niyang mag reply?

Me: Still there?

Byun: Bukas.

Bukas as in? Bakit isasabay pa niya sa date ng anniversary ni Mama at Papa? Huwag niyang sabihin na balak niyang i-invite yung babae at gawing patner niya sa party bukas?

Me: Bukas talaga? Sino ba siya? Mabait ba siya? Katulad ko ba siya na maganda? Talented ba? Matalino ba? MAHAL KA BA NIYA?

Oo, capslock talaga para dama. Malay mo hindi naman pala siya mahal. Gagamitin lang niya si Byun para sumikat at ipagkalat na naging sila. Tsk! Ayokong ginagamit ang bestfriend ko sa kalokohan nila. SA ISANG SALITA, AYOKONG PINAG LALARUAN ANG ISANG BYUN BAEKHYUN!

Sent..

1 minute past.

3 minutes past..

Bakit ang tagal niyang mag reply? Late received ba siya o talagang sinasadya niya?

6 minutes past...

You have 1 message..

Kinuha ko agad yung cellphone ko. Pipindutin ko nasa yung open kaso bigla akong napaisip.

Kaya ko ba na may kahati sa puso niya?

No choice ako kundi buksan yung message

"Katulad mo lang siya, hindi ko alam kung mahal din ba niya ako. Taeyeon may gagawin pa ako. Kita kits nalang sa School at sa party. Goodnight. I love you...as a friend"

Awakened Feelings | FanfictionWhere stories live. Discover now