Wattpad Original
This is the last free part

10

39.7K 1.2K 222
                                    


Chapter 10


Lalo kong pinasibad ang sasakyan ko nang makitang malapit na ako sa bahay ko. Kanina pa nag-iigting ang panga ko at kung hindi ko lamang mahal ang Ecosport ko ay ito ang pagdidiskitahan ko ng matinding galit.

Hindi ko na nga rin naihatid pauwi si Aubrey sa labis na inis. Hindi ko gustong makita niya ang ganitong uri ng pagkatao ko. I told her to just use Grab or Uber instead. She looked upset but I was in such a foul mood that I decided not to say a thing until her cab sped away.

Yuna's timing to be a crazy bitch was impeccable! Nang makita ko ang pinadala niya sa aking mensahe ay parang nais nang magputukan ng mga ugat ko. I want to break someone's bones! Napakamahal ng sapatos na sinunog niya. Limited edition iyon na nabili ko pa sa Venice! Damn that woman and her fucking attitude problem!

Nag-park ako agad sa tapat ng bahay at pumasok sa gate na iniwan palang bukas ng walang hiyang bruhitang buntis! She will pay for this! I opened the motherfucking door to my house and slammed it closed, my eyes immediately scanning the living room but she wasn't there.

Nakaamoy ako ng mabango mula sa kusina kaya roon ako padabog na dumeretso.

And there she was, the pregnant retard. She was wearing an apron while humming. The oven dinged and she put on her mittens and took out a batch of blueberry muffins. I am a sucker for muffins and cookies, damn it!

Nang ilagay niya ito sa table ay nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Nagdilim agad ang paningin ko nang maalala ko ang ginawa niya sa sapatos ko.

"Bitch," I mouthed angrily while I looked at her, she had the gall to act surprised with my sudden appearance.

Agad niyang tinanggal ang mittens na suot niya at akala mo kung sinong anghel na ngumiti sa akin. "Hi there! How did the date go?" she beamed.

"Don't you dare ask me how the motherfucking date went, you witch! Bakit mo sinunog ang sapatos ko ha!" I yelled with fury, ang higpit ng hawak ko sa gilid ng table habang binibigyan siya ng ubod ng talim na tingin. I swear, hindi sakit o kung ano pa man ang papatay sa akin kung hindi kunsumisyon sa babaeng ito!

She shrugged. "I don't know how to clean it up! At kahit alam ko kung paano maglinis ng ganoon ay hindi ko gagawin! Napakadumi ng ipis! Those things are the lowest of creatures, eewie!"

"Punyeta, Alyana June! Wag mo akong artehan at nagpipigil lang ako sa iyo!" I watched her drag a stool toward the high counter, and then she sat on it and carelessly ate one of the muffins from the pan. I want to wring her lovely neck! Nakakuyom ang kamao ko habang pinanonood ko ang prenteng pag-nguya niya na akala mo ba ay wala siyang ginawang kalokohan!

She looked up at me and raised a muffin. "Gusto mo? These are your favorites, wala kasi akong magawa kanina rito kaya nag-bake ako. I hope you don't mind, not that I care in case you do."

"Wag mo akong daanin sa ganyan, Yuna! Namumuro ka na talaga sa akin, sinasabi ko sa iyo! Alam mo ba kung magkaano ang sinunog mo ha?! Nasaan na ang sapatos!" I demanded and she casually pointed at the backyard.

"I left it there. I figured you'd wanna say good bye to them," she said before taking another mouthful of muffin. Naramdaman ko ang pagpintig ng sentido ko. Alam kong ano mang oras ay huhulagpos na ang galit ko.

I stormed out of the kitchen and into my backyard. Iyon ang unang unang bumungad sa akin. Ang sapatos ko na kay tagal kong hinintay ilabas sa merkado. Pagkatapos ay sinunog lang, ni hindi ko pa nga ito naisusuot. Pinaplano ko sana itong gamitin sa guesting ko sa susunod na araw pero wala na.

icon lock

Show your support for Nicole, and continue reading this story

by Nicole
@patyeah
No sane woman can resist the fast-rising actor, Julius September. Tho...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 36 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @patyeah.
Hulyo Setyembre (The Rascals 1)Where stories live. Discover now