Paraisong Nadasnan

68 10 6
                                    

Sa paraisong aking nadatnan

Sa paraisong binabalikan

Tanging ikaw lang

Ang taong minamahal

Sa mundong aking pinasukan

Alaala mo'y nasa aking isipan

Kislap ng mga mata, ngiti mong kay ganda

Kakaiba mong paggalaw sa mundong kakaiba

Ang salita mong binatawan

Kailan ma'y nasa aking isipan

Pagbuka ng iyong mga labi

Saba'y sabing ako'y mahal mo na

Mapaglaro ang tadhana sa agwat nating dalawa

Ang lupa at langit laging magkaiba

Ang langis at tubig kailan ma'y di nagsama

At ikaw at ako tayo sanang

dalawa

Sa paglalim ng dagat

Sa pagkupas ng dahon

Ang mukhang mong kay ganda

Sa akin ang nagdala

Sa pagbaba ng araw

Sa pagsibol ng buwan

Pangako'y nawala

Landas ay nag iba

Ang paraisong nasilayan

Naglaho na lang bigla

Mundo nati'y nagbiyak

Di nagkita kailanman

Dalawang daan ng karimlan

Tinungo nating dalawa

At tayo'y dumating

Sa puntong ayaw mo na

Pangakong binitawan tila ba ay nawala

Sikreto nating dalawa naglaho na lang bigla

Ako'y iyong iniwan

At ikaw'y nagdusa

Kahit tayo'y patay na

Pag ibig sana'y magbunga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paraisong NadasnanWhere stories live. Discover now