SUW III - Set Up - 20

22.5K 229 1
                                    

A.N. -- Sorry, hindi umabot sa quota ko na 5 chapters for this week. I partied hard. :) Hope you'd enjoy these chapters. And yes, paatras po ngayon ang chapters. Countdown na iyan for the final ending! Love, AIL

20

            It’s been a week or two… a week and a half, yes.

            Nakaupo lang si Ellen sa harap ng computer sa loob ng Celeste Pics, ang pinagta-trabahuan niya na photo shop since dalaga pa siya. Ngayong nagbalik na naman siya sa trabaho, nag-aalangan ang boss niya, si Celeste dahil bakamag-resign na naman siya. Of course, hindi iyon magandang relationship between boss and employee kaya lang, dahil nga sa parang magkakaibigan na sila nina Laurence at Mang Johnny, maraming exceptions at nadadaan sa pag-unawa.

            “Ellen,” lapit sa kanya ni Laurence habang nasa loob ng studio si Mang Johnny at kinukuhanan ng picture ang isang customer. As usual, Laurence was still young, broodingly handsome and nineteen. “Buti naisipan mo ulit bumalik? Kaya lang baka naman mawala ka na naman.”

            Nahihiya na napangiti si Ellen. “No matter what, hindi na ako magre-resign dito.”

            “Ibig sabihin, approve na ang asawa mo?”

            “Well…” napalunok si Ellen, the last time na nagbalik siya sa photo shop, hindi man lang siya nakapag-resignation letter kay Celeste. Kung hindi pa siya nito tinawagan before…

            “Well, nauunawaan ko naman if you resign again,” upo nito malapit sa kanya. Ellen faced him. “Bilyonaryo ang asawa mo eh, kaya siyempre, hindi ka na niya dapat pinagta-trabaho.”

            “Kaya ko naman kumita ng sarili kong pera.”

            “Is that what you want to prove him?”

            Napatitig si Ellen dito. Ano ang pinupunto ng binatang ito? And what else does this guy know about marital relationships anyway? He doesn’t have a single clue na hiwalay na sila ni Jude, even if hindi pa iyon legal.

            “Nag-away ba kayo ng asawa niyo kaya dito ka tumatakbo sa photo shop?”

            “Alam mo, masyado ka pang bata para sa mga ganitong bagay,” hinarap na lang niya ulit ang computer, naglilipat pa rin siya ng mga files mula sa DSLR niya.

            “Napapaisip lang naman kasi ako, Ellen,” tumingin lang ito sa monitor ng computer. “Wala pa kayong isang taon na kasal, tapos puro away na kayo.”

            “Hindi kami nag-away ng asawa ko.”

            Bumukas ang pinto ng Celeste Pics at niluwa ang dalawang lalaki na nakaputing-barong, obviously, mga guards, at lumingon-lingon sa paligid bago pinapasok ang boss nila.

            Who else?

            “Uy,” nudge ni Laurence sa kanya, “siya yung asawa mo, ‘di ba?”

            Pinanood nila itong pumasok, bukod sa dalawang guards kanina, may bumuntot pa dito na apat na guards.

            “Bakit ang dami niyang guards?”  bulong sa kanya ni Laurence, parang kinakabahan na.

            “E-Ewan ko,” alanganin niyang sagot. She never saw Jude surrounded by guards. Malayo ang contact nito sa mga sariling empleyado, that is obvious, as in, hindi ito makatagal na laging may empleyado o kadikit wherever it goes, except if it’s Ellen, maybe… But then, what’s with the bodyguards?

The Set-Up Wedding [PUBLISHED BY PINK AND PURPLE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon