Damdamin para sa'yo

220 1 1
                                    

Damdamin para sa'yo

Noong nakilala kita,

Puso ko'y lumundag sa saya,

Mata'y di makatingin sa iba,

Pagkat para sa'kin ika'y sapat na.

Akala ko nadarama'y tulad ng dati,

Ngunit ako'y nagkamali.

Dahil ang sigaw ng puso ko,

Ikaw lamang ang ninanais nito.

Marinig lang ang boses mong dakila,

Ang tainga ko'y nagwawala.

Gustong pakinggan ang bawat kwento ng buhay mo,

Nag-aasam na maging parte nito.

Bawat sandali ika'y tinitingnan,

Umaasang sa aki'y may nararamdaman

Kahit kaunting pagtingin lamang

Sa aki'y langit na puno ng kasiyahan.

~~~~

Para din sa isang friend ko dati,... Ang dadrama namin nun ehh,.. Hehehhe,.. Hanggang ngayon pa rin naman,.. hahah,.. ^_^

Dedited to one of my sissy, seleena <3.. ^___^

Patama kay Puso (Poems Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon