Epilogue

5.9K 136 41
  • Dedicated kay all the readers of SIL. ♥
                                    

Dedicated sa lahat ng nagbasa, magbabasa at hanggang ngayon binabasa parin ang Strangers in Love; sa lahat ng readers simula prologue hanggang epilogue, at sa lahat nang nag-abang ng mangyayari sa love story nila Coleen at Migs. I love you guys!! ENJOY READING! 

____________________________________________________________

 EPILOGUE


Coleen’s POV
MAY 2011

 

“Psst… Coleen~ gising na!”

“Coleen!”

“Tinulugan mo nanaman ako hahahaha”

“Master ka pala magpuyat ah.. naks master nga. Hahahaha”

“Uyy gising na!”

“ATE!”

 

“ANG INGAY SINO BA YUN” reklamo ko sabay angat ng ulo ko sa may study table ko ng dahan-dahan.

Shet. Sasakit nanaman batok at likod ko neto. Hindi nanaman ako sa kama nakatulog -___-
Anong bang ginawa ko nanaman kagabi?


Inaantok pa ko eh -____-


“Sa wakas bumangon rin. Male-late na kaya ako.” narinig ko nanamang may nagsasalita. Bay an, kung ano-ano nanaman naririnig ko.

Nananaginip  pa ba ako? O sadyang puyat lang? “Ugh patulugin niyo ko.” sabi ko sabay tayo tsaka ko dinilat yung mga mata ko.

Halos matumba ako sa kinauupuan ko nung nakita ko yung mukha niya.
Para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig at natanggal bigla yung antok ko.

Shet. Magka-video call nga pala kami kagabi.
…..at mukhang natulugan ko nanaman siya. Uggggh nakakahiya naman... -___-

Nakakainis ka naman Coleen eh!!
Kainis. Nakakahiya huhu.

“Para ka namang nakakita ng multo, hahahahaha.” bigla niyang sinabi tapos tinawanan niya pa ako. Talaga naman!!


“Napakaepal mo…. ginulat mo kasi ako eh!” pagdadahilan ko naman tapos lalo niya lang akong tinawanan.


“Tinulugan mo kasi ako e, kinantahan lang kita, nakatulog ka na. Ganun ba ka-boring boses ko ah? Sakit” pagbibiro niya naman tapos nagda-drama pa siyang masakit talaga yung dibdib niya.


Ako naman yung natawa ngayon.


“Ewan ko sayo, pahumble ka pa eh alam mo namang maganda talaga boses mo tss saraduhan kita ng netbook screen eh!” pagbibiro ko naman tapos bigla siyang lumapit sa screen naman niya sabay sigaw ng, “Wag!! Coleen wait! Teka lang joke lang kasi! Hahahaha”


“Kala mo ah! Hahahahaha” sagot ko naman tapos bigla niya akong pinalapit sa netbook screen ko pero hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Tinatamad ako eh. HAHAHAHAHA. “Coleen dali na kasi..” pagpipilit niya sakin tapos tinitigan ko lang siya.

“Ano nanaman ba kasi yun? Ang aga-aga Miguel Ferrer ah.” sabi ko naman sabay lapit na nga sa screen. Nagpapapilit lang naman talaga ako eh. HAHAHAHAHAHAHAHAHA sorry na =)))

Strangers in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon