Chapter 16

295 4 0
                                    

Chapter 16


Let's fast forward it.... a bit!

~School~

Intense na ang labanan para sa Ms. and Mr. _________ high school! At ngayong araw na ito gaganapin sa school gym nila ang judging! Yung parang pang beauty contest lang, nasa backstage na sina Allie at Kurt.

" Seryoso ka ba dito, Kurt? " tinanong ni Allie.

" Oo, naman! Achieve na achieve natin 'to teh! Buwahahahahaha! Talbog silang lahat dito noh! " sinabi ni Kurt at narinig na nila ang MC na tinawag ang kanilang mga pangalan.

" Wait lang! Ritwal muna! " sinabi ni Kurt. At nagtaka si Allie kung ano yung sinasabi ni Kurt. Kumanta nga si Kurt.....


Bubukesh ang floweret  ♪   ♫     Jojosok ang reynabelz  ♫     ♪          Shochurva nang chacha  ♪         ♫           Pa jempot jempot fah     ♪    Boom tiyayavush chenes! ♪ ♫

Tumawa si Allie at nasabi niya bigla " Alam mo kung hindi kita sisteret baka napa-inlove mo na ako. hahahaha! ". Napatingin sa kanya si Kurt at ngumiti lang ito, sabay tinaas na yung kurtina. Lumabas na silang dalawa na magkahawak ang kamay. F.Y. I. ang pasabog po ni Kurt ay....nag-suot siya nang dress habang si Allie naman ang nakapanglalaki. Pagkalabas nila ay tahimik lang lahat nang audience pero, biglang kinindatan nina Allie at Kurt ang audience. May bumabang kurtina at pagkataas nito ay nakapang-wedding attire na sila. Naka-dress na si Allie at si Kurt naman yung naka-tuxedo. Pareho silang napakaganda at napakagwapo!!! Madami ang nagsigawan para sa kanila.

Girls : You're so hot!!!! Wooh!!!!! Kurt!!!!!   

Boys : Kami na lang pakasalan mo, Allie!!!           

Kumakaway silang dalawa sa mga audience at nagulat si Allie. Binuhat siya bigla ni Kurt ( yung princess style ) Nilapit ni Kurt ang muka niya kay Allie at parang magki-kiss na sila. And then, the lights went out. Pumunta na ulit sa backstage sina Allie at Kurt. Rinig na rinig pa din nila ang sigawan nang mga tao sa labas. Sila ang last candidates kaya ang sumunod naman ay announcement na kung sino ang nanalo. Syempre.........nanalo sila!  Pinapunta na silang dalawa sa center stage at binigay ang prize. Pero humirit ang audience, sumisigaw sila lahat nang KISS!!!!!!!!!!!!! ( Nanood lahat nang students nang school nila ) Tumawa lang pareho sina Allie at Kurt. Pumunta na si Chleo sa stage at sinabi niya " Students, please settle down... " At natapos na doon yung contest.                                   


~Backstage~         

" May gosh! Ang hirap naman matanggal nung zipper ko sa likod!!! " sinabi ni Allie. Narinig ito ni Kurt at pumasok siya sa dressing room ni Allie. Sinabi niya " Gusto mo tulungan kita? Di ako titingin, promise! ". Pumayag din si Allie dahil, wala nanaman ibang makakatulong sa kanya. (magkasama sa iisang dressing room ang magkakapartners) Pumikit si Kurt at habang tinutulungan niya si Allie at tinanong siya nito " Kurt, nanalo na tayo, sasabihin mo na ba sa akin? ". Lumabas na si Kurt at umupo siya sa sahig. ( kurtina lang yung naghahati sa spaces nila doon sa room ).

" Oo nga pala, so...ganito kasi yun....May gusto ako, siya yung sinisilip ko dun sa classroom nung isang araw na nagkita tayo. Sinabi niya sasagutin niya daw ako kapag nanalo ako dito sa contest at kapag tinupad ko yung sinabi niya for three days...na magpanggap. " sinabi ni Kurt.      

Napa-isip si Allie " Magpanggap? Anong ibig sabihin ni Kurt? ". Sinabi pa ni Kurt " Pero...tinext niya ako ngayon...Sinabi niya na niloko lang niya ako at ang tanga ko daw para sumunod sa gusto niya. Pero! Ganun naman yun di ba?! Magpapakatanga ka talaga para sa taong gusto mo! ". Nagulat si Allie sa mga naririnig niya at lumabas na siya. Nakita niyang nakatungo na lang si Kurt at niyakap niya ito.      


End of chapter

ano sa tingin niyo susunod na mangyayari???

Excited ako for the next chap!!! PLEASE COMMENT OR LIKE OR VOTE NAMAN GUYS!!!!! if you want lang naman hahahhaha :))

 

The Heartthrob + The Nerd = Love? (Book 3 of MHFFAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon