Gay Pageant

32.7K 726 153
                                    

Pinagsamang KORNI MO!, ALL I WANT FOR CHRISTMAS IS YOU  at NGA NGA KA NOH? ang one shot na ito.

 *Sabayan niyo na lang ng tunog kung gusto niyo.

"Alam mo may joke ako." Ayan nanaman ang bestfriend ko. Nagsimula nanamang maging korni.

"Ano?"

"Alam mo yung CHENG? Yun yung may naisip ka. CHENG!" Diba? Sabi sainyo e.

"Umuwi ka na nga! Korni mo." sabi ko.

"Kung ako korni, ano ka pa?"

"Maganda!" sabi ko. Hahahahaha. 

"Joke un?" nang-asar pa.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Oo. Panget mo." tumawa pa ang kumag. Sama ng ugali. 

"Kung ako panget, ano ka pa?" Bakulaw ka e.

"Gwapo." Uuwi na nga ko. Wala akong mapapala dito. 

"O talaga? Kwento mo sa salamin mo! Di bagay sayo. Nakasuspenders na, messy hair pa.. Ang laki pa ng glasses! Oh diba! Panget mo. Hi Lolo Jown." Pang-aasar ko sakanya. Hahahahaha. Palag pa friend? 

"Pangit pala! Sige, Raen.. Nganga ka sakin bukas!" Tas hindi na ko hinarap. Cry-Baby lang ampeg? Hahaha.
Christmas Party kasi namin bukas. Pag Christmas Party, pabonggahan ng damit.. yung iba nga nagdedress pa. Chenes. Ano kayang itsura niya bukas? Baka magmukha nanaman siyang Humpy Dumpy dahil sa suot niya! Galing kasi ng pormahan niya araw-araw e. Minsan nga nabubully na yan pero madaming guy friends.

"Smith, Melchor, De Castro, Sorras, Perez, Mata at Castillo... usap tayo mamaya. May sasabihin ako." sabi ni Sir Chad. Para san naman kaya yun? Para bukas sa games?

Gay PageantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon