Chapter 11

116K 2.2K 44
                                    

            

                                                 *****

“Makakalabas ka na Mr. Calderon!” sigaw ng isang pulis.

Nagmulat ng mga mata si Pierce mula sa panandaliang pagkakaidlip nang nakaupo sa sahig at nakasandal sa dingding ng kulungan. Dahan-dahan siyang tumayo nang makitang naghihintay sa paglabas niya ang nakatayong pulis sa may pintuan ng selda.

“Sa susunod pag-iinom kayo diretso lang dapat ang alak sa tiyan, hindi sa ulo!” pasaring nito sa kanya pagkalabas niya at sabay kandado muli sa pinto ng selda.

    

Naginat-inat siya ng braso at leeg habang naglalakad patungo sa labasan. Ramdam pa rin niya ang pananakit ng kanyang buong katawan. Huminga siya ng malalim at inihanda ang kanyang tenga, alam niyang mahabang paglilitanya na naman ang maririnig niya mula sa kanyang ina. Napapahawak siya sa kanyang batok at napapakamot ng ulo. Ano ba kasi ang nangyari sa kanya? Bakit ba kasi siya napikon sa biruan nilang magkakabarkada? Eh ano naman ngayon kung si Clarisse ang napagkatuwaan ng mga itong pag-usapan? Ano ba si Clarisse sa kanya? She is supposed to be a non-factor ornament in his life kung kaya't bakit kinakailangang maapektuhan siya kung marinig man niyang  kinakaladkad ng ibang lalaki ang pangalan nito sa mga sekswal na biruan.

  

Napakamot ulit siya sa ulo. Naparami lang siguro siya ng inom kaya masyado siyang naging sensitive. It creeps the hell out of him to hear her name being dragged to sensual topics. He couldn’t imagine it. Maybe he reacted subconciously dahil ni minsan hindi pa nagsasabay sa utak niya ang pangalang Clarisse at salitang sex.

  

Tuluy-tuloy siya sa paglalakad at laking gulat niya nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa waiting area. Si Clarisse. Agad itong napatayo nang makita siyang paparating. Humalukipkip ito at sinalubong siya ng tagos sa butong mga titig. Iginala nito ang mga mata sa pasa-pasa niyang mukha at saka ngumisi.

"Wala ka na ba talagang natitirang kahihiyan diyan sa katawan mo? You even reach to a point in which you have to drag me into your mess," pormal ngunit napakadiing wika nito.

Hindi siya kumibo. Binalewala niya ang halatang nagpipigil ng galit na babae at sa halip ay mahinahong pinahid niya ng kamay ang nanuyong dugo sa gilid ng kanyang mga labi.

"What are you doing here? Where's Mom?" kalmadong tanong niya at sabay baling sa ibang direksiyon ng kanyang mga paningin para hanapin ang ina.

Sinundan ng nagtitimping babae ang bawat galaw ng kanyang mga mata. Inihaharang nito ang sarili habang pilit siyang pinapatingin ng diretso sa mga mata nito. Hinawakan siya nito sa braso upang kunin ang kanyang buong atensiyon.

"Isa pa yan! Hindi ka man lang ba nag-iisip? Why did you call your mom about this?" mahinang sabi nito habang pinandidilatan siya ng mga mata.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon