Chapter 15..the revelation and his suggestion

104 3 0
                                    

Chapter 15..the revelation and his suggestion

Ashwell’s POV

“She’s different.. she’s like a crystal.. na any moment pwedeng mabasag.. she’s very fragile” –kurt

Teka don’t tell me na talagang gusto nya si Acee?

SHIBAL!

Bakit sya pa Kurt? Ta*na namang buhay to oh..

Bakit kaibigan ko pa nagkagusto kay Acee?

BADTRIP naman oh

Tinignan ko lang sya..

Hinihintay ang susunod nyang sasabihin..

“That’s why she’s important to me.. isa sya sa mga babaeng natatakan ng respeto ko.. yung tipong hindi ko iisipin na gawin sa kanya yung mga bagay na ginagawa ko sa ibang babaeng nakukuha ko agad..na  sa ilang minuto pa lang sumasama na sakin..” –dagdag nya pa

Nakikinig lang ako sa kanya..

“Bakit mo pala natanong?” –biglang tanong nya sakin na ikinagulat ko..

Bigla-bigla kasi nagtatanong ng hindi muna magpasantabe eh

“Anong klaseng pagpapahalaga ba ang turing mo sa kanya?” –balik kong tanong sa kanya

“Ako nag tanong sa’yo tapos sinagot mo sakin ng tanong rin?” –sabi nya sakin

=__________________= muka ni kurt

“Sagutin mo na lang muna kasi” –sabi ko pa sa kanya.. mag rereklamo pa kasi eh

“Tsk you’re so bossy.. kung hindi lang kita kilala at kaibigan hindi ko sasagutin yung mga tanong mo sakin eh” –reklamo nya pa

“Ang dami mo namang reklamo.. sagutin mo na lang kasi dami mong daldal eh” –sabi ko kainis na kasi to.. rerekla-reklamo pa eh psh =______=

“Ito naman atat ka? Atat? Importante sya sakin na parang kapatid ko lang.. ano masaya ka na?” –sabi sakin ni Kurt

“Galit ka?” –sabi ko sa kanya

“Hindi no..haha kelan ba ko nagalit sayo? Teka nag seselos ka ba sakin?” –biglang tanong nya sakin

“May sasabihin ako sayo.. pero dapat walang ibang makaalam nito pag nalaman mo tong sasabihin ko” –sabi ko sa kanya

“tsk gwapo lang ako.. hindi ako madaldal” –sabi nya pa sakin

“Kanina ka pa huh? Nakakahalata na ko sayo..” –sabi ko sa kanya.. kanina nya pa ko binabara eh tsk

“Hindi na.. sige kwento mo na sasabihin mo sakin” –sabi nya sakin.. napaka atat naman nitong taong to =___=

“Acee and I are fake lovers.. may nalaman lang ako kaya sya pumayag na gawin to.. may kontrata kami 2 months.. before Vixen introduced them to us nakita ko na sila sa parking lot ng mall.. the day na tinawagan nyo ko para pumunta dito para lang sa ibang confirmations para sa bar nagkita na kami.. it was an accident na mahagip ko sya ng bahagya ng motor ko sa pag mamadali pumunta dito..  that day, she already captivated my attention.. well I guess my heart.. I thought that was the last time na makikita ko sya pero nagulat ako ng pakilala sya ni Vixen satin.. that moment all I want is to be with her.. and may narinig nga akong sikreto nya na naging dahilan para pumayag sya sa alok ko.. ang dinahilan ko sa kanya ay yung si Althea.. yung babaeng sunod ng sunod sakin kahit san ako mag punta? Although part yun ng paghingi ko sa kanya ng favor, kasi kaya ko naman iwasan at taguan yung babaeng yun, pero mas malaki pa rin yung part na gusto ko lang talagang makasama lagi si Acee.. until dumating na nga sa point na nakilala kami ng both parents namin at ang hindi ko inaasahan, long lost bestfriends ang mga parents namin.. tapos minsan pag magkasama nga kami bigla-bigla may sumusulpot na kilala ko madalas pa babae at kinakausap ako.. tas nakikita ko na nag iiba yung mood nya. Idagdag mo pa yung pagiging malapit mo sa kanya.. nakakaselos beb” –mahabang sabi ko sa kanya..

Keeping your secret, loving you crazy..(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon