Chapter 1

397 11 7
                                    

It's not that easy to avoid someone that is too handsome, talented, smart, and "perfect"

Madaming babae ang nagkakandarapa sakanya, yung kumbaga ngingitian nya lang mahuhulog na sakanya? Hindi ko naman sinasabing pangit siya. Pero hindi ko din sinasabing gwapo siya. Gets niyo?

"Charismatic"

"Perfect"

"Competitive"

"Cool"

"Hot"

"Handsome"

"Smart"

"Athletic"

Ayan ang mga naririnig ko sa mga kababaihan sa school namin tuwing nababanggit ang pangalan nya. It's just that, naiirita na ako minsan dahil inaraw-araw na nila kagaganyan nila.

"HOY Dane! Ano bang ikinakatulala mo dyan? At ang sama ng mukha mo nanaman ha?"

Nasa cafeteria kami ngayun ng matalik kong kaibigan na si Zeidria Sibug pero "Zea" nalang for short. Nako ewan ko ba kung bakit ko naging bestfriend to, eh nasangkot din sya sa "Charismatic syndrome" at isa sa "Flamers" or fans ng LALAKING YUN

"Ahh, wala. May naisip lang ako"

"Sus! Nako Dane! Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Alam ko na yung charismatic Drakiiiee~ ang nasa isip mo"

"Psh. Wala akong pakeelam dun, bakit nyo ba kasi nagustuhan yun? Di naman kagwapuhan."

"HA?! ANONG PANGIT YANG PINAGSASABI MO?! GWAPO SI DRAKE TANDAAN MO YAAAAAAN~" Pabulong na pagsigaw na sabi ni Zei habang dinudutdot dutdot nya yung index finger nya sakin

"Opo. Sorry na po. Tatandaan ko na po."

"Good" Malawak na ngiting sabi nya sakin habang inirapan ko lang sya. Hindi ko naman sinabing pangit eh, sabi ko lang di kagwapuhan. Sus.

Tapos na ang klase at uwian na, ayan nanaman ang routine ko. Pero dahil nga sabi ko na simula nang dumating sya ay nagiba ang buhay ko aba talagang ginagawa nya!

Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko nanaman ang kotse na lagi kong nakikita tuwing uwian. Ang kotse niya. I can't believe that this dude is doing this to me.

Pumunta ako sa isa sa mga halaman ng school namin sa harap ng gate at nagtago. Tinitingnan ko lang kung bababa sya sa kotse nya pero wala padin. Hmp! Baka nasalvage na sya? Sana nga! Para wala nang buwisit sa buhay ko!

Ilang minuto na akong nagtatago dito pero hindi ko padin sya nakikitang bumaba sa sasakyan nyang magara

Hintay hintay nalang po tayo.

Ako nga pala ang babaeng bida sa storyang ito, Jinri Dane Xy pero pwede mo akong tawaging Dane. Mahilig akong manood ng ANIME buong magdamag, well hindi naman lagi, tuwing bakasyon PO LAMANG.

Yup alam kong weird para sainyo dahil isa akong 2nd year college student na mahilig sa anime, well, technically cartoons. Masaya kayang magkaroon ng inspirasyon kapag galing sa anime! Kung naweweirdohan kayo problema nyo na yun!

TAKE NOTE. Hindi lang po HOT anime guys ang inspirasyon ko! meron din pong tao. Ang pangalan nya ay Gabriel. Actually pangalawa sya sa pinakasikat sa school namin. Oo, merong population poll sa school namin. (=__________=) Grabe lang, pang Wattpad ang tinira.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm the target? [MinSul FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon