MBB 39.

177K 1.7K 286
                                    

Chapter 39.

Daniel's POV.

It's 2:30 in the morning. naligo agad ako at nagbihis. dapat kasi alas tres nasa palengke na.

It's been a week. nakakapag-adjust na naman ako, nasasanay na'ko sa pagod at puyat. nasasanay na'kong hindi kami nakakapag-bonding ni kath mashado. pag dating ko sa bahay, maliligo ako, kakain at tulog. ganon ang routine ko since lagi akong pagod. i'm making a way para mag-bonding kami ni kath pero mas nananaig parin ang pagod at antok ko.

"M-mahal ko... ay sorry late nanaman ako nagising." bumangon si kath sa kama niya.

pupunta sana siya sa kitchen ng pigilan ko siya...

"A-ano ba?" tanong niya habang nagkukusot pa ng mata.

"Kath, hindi mo naman kailangan gumising eh. kaya ko naman." i hugged her. hindi siya sumagot, i looked at her at nakapikit ang mata niya.

kawawa naman reyna beb ko. nadadamay sakin, napupuyat na'din. binuhat ko siya pabalik sa kama saka ako dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape.

Umalis ako ng bahay dala dala yung tumbler na napulot ko sa daanan kahapon. oo sobrang hirap namin pero wag kayong tumawa. nagsisikap ako.

"Oh, Daniel mabuti't  maaga ka! dalhin mo na itong mga gulay dun sa tindahan nila Nelia. sila nag-order niyan." tignan mo 'to si Aling bebang, kakarating ko palang utos agad. ni-hindi ko pa nga nababawasan ang kape ko eh.

Pero may magagawa ba'ko? "Oh sige ho." sabi ko. iniwan ko una yung kape ko sa gilid.

binuhat ko yung dalawang sako ng gulay sa magkabilang balikat ko. sanay na'ko. sanay na sanay magbuhat ng mabibigat sa palenge na'to.

"Aling Nelia. magandang umaga ho." sabi ko habang nilalagay itong dalawang sako na dala ko sa gilid ng tindahan niya.

"Oh, Daniel! Ang aga mo ah??" sabi niya habang inaayos yung mga paninda niya.

"Ah, opo. para maaga din po ako maka-alis mamaya. hindi napo kasi kami nakakapag-usap ng maayos ng asawa ko." sabi ko.

"Naku, ikaw... mahal na mahal mo talaga yung asawa mo. ang swerte swerte niya."

My Brat BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon