Fuck that 15 Days

26.3K 500 182
  • Dedicated to Rayne Mariano
                                    

Dahil sa may nabasa ako dati dito sa wattpad, at first time ko magkakaroon ng non-fiction na kwento dahil sa fiction na kwento na nabasa ko. Hayaan niyo akong magkwento ng nangyari sakin at kung ano ang ginawa ko.

Nag umpisa kong basahin ang kwento ni Rayne tungkol sa Babaeng ginawang wallpaper ang crush niya, tapos may paniniwala siya na kapag umabot ng 15 Days ang wallpaper niya ng walang makakakita magkakatuluyan sila. Basta parang ganun yung kwento. 

Dahil sa idol ko siya at crush ko si Rayne, siya ang ginawa kong Wallpaper. Tutal hindi na rin naman magkakatotoo kasi nga FAIL na ang nangyari, bwisit nga kasi. Haha! So ayun, yung after nung pinabasa niya sa akin yung story eh ginawa ko siyang wallpaper, kasi nga nagkaroon kami ng picture sa Laptop ko. So pinasa ko yun agad at agad-agad ginawang wallpaper.

Day 1

As in unang araw, naka lock yung cellphone ko, walang makakapagbukas nun kung hindi ako, naka pincode. Shet, ganda ng gising ko sa umaga, si Rayne agad at ako ang bumungad nung nag alarm ang phone ko. Walang nakahiram ng cellphone ko, kahit mama ko, papa ko, nakikitext sila. Sabi ko lowbat.

Day 2

Typical Day, Ganun lang ulet, dahil single ako, wala akong ka text. Malungkot ang buhay ko, kaya patuloy akong umaasa sa kwentong barbero ni Rayne Mari***

Day 3

Nagising ako ng tanghali, hindi nag alarm ang cellphone. Binuksan ko, lowbat pala, nag alarm pero hindi nag vibrate. Mahilig din kasi ako mag puyat, so pumasok ako sa eskwelahan na hindi dinala ang cellphone. Hindi ko rin chinarge, baka mag ring at makita pa nila ang wallpaper ko.

Day 4

Wala lang. normal na araw. Dahil single ako, puro GM lang ang natanggap ko. Tinago ko sa loob ng bag ang cellphone ko.

Day 5 

Eto muntik na makita ng kapatid ko. Dahil nakaharang yung cellphone ko sa Keyboard. Kinuha niya ito at muntik ng buksan, buti napasigaw ako na KIM WAG!! Buti na lang, masunurin. At biglang binaba ang cellphone, yun nga lang nasabihan akong TANGA  mo!!

Day 6

Typical day, tipong walang nangyari. Taenang cellphone yan, walang nag text. HAYOP.

Day 7

Hindi ko maalala anu ang nangyari dito eh, basta alam ko nakatago lang yung cellphone ko sa bag at kinuha ko ulit ito pagtapos ng aking pag-aaral.

Day 8

Alam ko naka chat ko to si Rayne eh, kinakamusta ko, kinakamusta ko rin siya. Stalker ako nito eh, sakto ginawa niyang DP yung Picture namin nung pumunta siya dito. So ako rin gumaya ako. Di pa rin nakikita ng kahit na sino ang cellphone ko.

Day 9

Tinanong ni Papa bakit daw parang hindi na niya ko nakikitang mag cellphone. Eh actually lagi kong hawak yun kapag nilalaro. Sabi ko ilang araw na lang, baka magkatotoo biglang magic at magkaroon ng feelings tong si Rayne sakin! Crush eh! Hahaha!!

Day 10

Excited na excited ako. Sabi ko shet limang araw na lang. Palagi kong iniisip yun eh, may memo kasi ako sa pintuan ko. Oo, may post it na nakalagay sa pintuan ko para ipaalala yung Dare ko sa sarili ko. May faith ako dun eh, taena this is it! Limang araw na lang shets!! May araw pa nga na nanghihiram yung pinsan ko dahil gusto maglaro, hindi ko nga pinaglaro. Makita pa niya. Haha!

Day 11...........

Ay punyeta, hindi ko makakalimutan ang araw na ito.

Break time namin, 12 to 1:30 parang Vacant, ganun. So naghahanap kami ng makakainan, so yung kaibigan kong dalawa na mag syota eh magkasama at ako ang chaperon nila. Naisipan namin na mag intay na lang sa labas ng room at maglaro na lang ng PSP at ng Ipad. 

Bumaba yung syota nung tropa ko, para bumili ng pagkain dahil nagugutom na. Yung tropa ko naman na isa eh may baon na cream O. At ako naman ay nabusog dahil kumain ako sa Cantunan.

Bigla niyang naisipan magpabili ng Softdrinks sa girlfriend niya at ako naman tong naka headset at nanunuod sa Ipad.

Sabi niya sa kin, sumenyas siya ng makikitext daw siya. So binigay ko naman ang cellphone ko ng hindi ko namamalayan at ewan ko kung bakit parang wala ata ako sa sarili ko nun. Nanunuod kasi ako ng In Time ni Justin Timberlake, bagong download kasi, malinaw pa. Malakas yung sounds, nasa climax ako, kaya nawala sa isip ko.

Bigla akong nagulat, tinapik niya ako. Sabi niya sa akin. 

" Rhads, sino tong babae? Chicks to ah! Ang puti "

Ako naman eh parang tanga na namutla, biglang nakuryente buo kong katawan. Minura ko siya. Sabi ko AY PUTANG INA MO!! BAKIT MO TINIGNAN!!!!

Sabi niya sakin, AY MALAY KO SAYO! GAGO KA BA! EH PINAHIRAM MO SAKIN AT NAKITEXT NGA AKO DIBA?! PUTANG INA MO DIN HAHAHA! Pero sino nga yan?

Sabi ko naman " TAENA MO! GAGO GAGO GAGO!! BAKIT NAWALA SA ISIP KO, HAYOP NA YAN, TAGAL KONG ININGATAN YAN!! TAENA MO SINIRA MO PA SANA MAGIGING LOVELIFE KO!! TAENA KAAA! biglang may kamot ng ulo at sobrang hindi mapakali. Grabehan nga yung pangyayari na yun.

Sabi niya, Ano ba kasi yun?!

Sabi ko, BASTA HINDI MO ALAM YUN, BASTA MAY GINAGAWA AKO. TAENA MO, MAG LOAD KA KASI SA SUSUNOD. DAMUHONG YAN, TAE SAYANG, PANG 11 ko na ngayong araw na ito eh!!!

Sabi niya, HA? BAKIT?! HAHAHAHA!! MALAS LANG!

At ako eh tinuloy ang panunuod ng In Time na patuloy na nanghihinayang, paulit ulit kong tinitigan ang litrato. At sinabi kong . Walanjo. Hanggang pangarap ka na lang talaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fuck that 15 DaysWhere stories live. Discover now