When He Confessed (The PUP Confession ONE SHOT)

8.2K 293 87
                                    

NANG matapos na kami ng mga kaibigan ko na magpalit ng PE uniform ay lumabas na kami sa CR dito sa gym. P.E kasi ang klase namin. Masasabi kong  kakaiba talaga itong gymnasium ng PUP Main. Kahit saan ka lumingon may tao, at iba-iba ang ginagawa nila.

Kapag tumingin ka sa kanan mo, may nagva-volleyball. Kapag tumingin ka sa kaliwa mo, may nagba-badminton. Lumingon ka sa likod mo, may nag-aarnis. At kapag dumeretso ka naman ng tingin—“Araaaaaaay!”

Pakiramdam ko ay lumabas ang bungo ko nang may bola ng basketball ang tumama sa mismong mukha ko! At dahil mahal ako ng mga kaibigan ko, imbes na tulungan nila ko at tanungin kung ayos lang ako, ay tinawanan lang nila ko at tinanong kung buhay pa raw ako! Mga adik talaga!

“Miss sorry!”

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko ang isang lalaki. Hindi lang basta-bastang lalaki. Isang lalaking sobrang espesyal sa’kin, si Raice Anthony Laxa.

Siya ang kauna-unahang lalaking minahal ko, siya ang first boyfriend ko at ako naman ang first girlfriend niya. Magkaklase kami noong Junior Highschool kami at dito rin kami nag-aral sa PUP. Magkatabi kasi kami sa upuan dahil alphabetical ang arrangement kaya kami naging magkaibigan. Raice Anthony Laxa siya at ako naman ay Yuri Michelle Kwon. Mula sa pagiging magkaibigan, ay official na naging kami. Kaya lang ay naghiwalay kami dahil sa mga sunod-sunod na misunderstanding. Pagkatapos naming maghiwalay ay hindi na kami nagkita hanggang ngayong College na kami parehas at kahit pa isa lang ang school namin.

Kaya lang sa pagkakataong ito, nagkita kami. Nagkita kami sa lugar kung saan ko siya sinagot noon.

Habang papalapit siya sa’kin ay lalong lumalakas ang kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Dahil inaamin ko, hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

“Sorry Yuri. Long time no see,” nakangiti niyang bati sa’kin. Ang ngiti niyang iyan, ilang taon ko ring hindi nasilayan ‘yan.

“Hi,” at ginantihan ko ang ngiti niya.

Nagkuhaan kami ng number at nang matapos ang klase namin parehas ay nagkita kami at nagkakwkentuhan kami. Walang mapaglagyan ang kaligayahan na nararamdaman ko. Miss na miss ko siya.

Hanggang sa ihatid na nga niya ko sa bahay. Hinanap pa niya sina Mama kaya lang wala sina Mama kaya sinabi niya next time na lang daw. Ibig sabihin, masusundan pa.

Sumapit na ang gabi ay hindi ko pa rin mapigilan ang sayang nararamdaman ko. Kinuha ko ang laptop ko at dumapa sa kama. Balak kong gawin ang assignment ko pero binuksan ko muna ang facebook ko. Unang bumungad sa news feed ko ay isang confession mula sa The PUP Confession.

“I SAW HER”, iyan ang title ng confession niya. Agad ko itong nabasa.

Hello Batman, wala akong masabihan nang nararamdaman ko, e. Kaya naisipan kong magconfess na lang sa’yo. Ang totoo niyan, sobrang saya ko. Kasi nakita ko ulit siya, nakita ko ang ex-girlfriend ko. Ang ex-girlfriend kong hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin.

When He Confessed (The PUP Confession ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon