Second ❣

116 8 1
                                    

Aian's Dream

"Bye Ate." Sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo.

Yeah I know she can't hear me pero nakasanayan ko na rin na pumasok sa school habang tulog pa si ate. Pagkatapos nun, lumabas na din ako sa appy namin.

Kahit na mahina ako sa directions, nakabisado ko naman ang papunta at pabalik sa appy, sa school at sa aking fantasyland. Buti nalang.

Ang sarap talagang maglakad lalo na ngayon dahil malamig ang simoy ng hangin. Simula na kasi ng BER month. Hindi naman sa malayo ang school namin sa appy, sa katunayan nga ay walking distance lang ito.

Pati exercise na din to kahit papaano haha. Kaysa naman magsayang pa ako ng pamasahe. Let's be practical!

"Good morning kuya guard!" Sabi ko naman pagka pasok na pagka pasok ko palang ng gate at ini-swipe ko na ang ID ko para makapasok sa school.

"Aga natin Ms. President ah?" Sagot naman ni Kuya Guard kaya napatingin ako sa relo ko. Napa aga pala ako ng fifteen minutes kaysa sa usual na pasok ko. I just smiled at him then pumasok na.

"Hi. Good morning!" Sabi ko sa lahat ng madadaanan ko na babati sa akin.

Syempre, nakakahiya namang hindi ko sila pansinin diba. At dahil maaga pa, kaunti palang ang mga tao. That's the thing I admire the most about Rhydell Academy. Friendly ang mga tao, pero hindi lahat.

Nakaugalian ko na rin siguro ito. Iba talaga ang magagawa ng mga good morning galing sa ibang tao. Alam nyo yung very relaxing na feeling kapag may bumabati sayo? Positive vibes all the way.

Dumiretso na ako sa Student Council Office. At gaya ng inaasahan ko, nandito na rin si Mel.

Best friend ko yan, secretary siya sa Stud Council pero third year palang yan and katulad ng narinig nyo kay Kuya Guard.. Yes, President ako ng school namin.

Ang hassle nga eh, graduating highschool student na kasi ako.. meaning? Madaming requirements tapos president pa ako ng school.. so nasa akin ang responsibility sa mga co-students ko at ibang mga personal works sa school.

"Good morning Ms. Friendly!" Sabi naman ni Mel na hindi man lang inaalis ang mata niya sa comp namin dito sa SC Office.

Siya si Melissa Alvarez ang aking Babs short for baboy since ayaw namin parehas masasabihan na mataba, nagkasundo kami sa gantong call sign.

Ms Friendly? Haha sira talaga to. Ngayon ko lang yun narinig sa kanya, kadalasan kasi yun ang tawag sa akin ng mga hindi ko masyadong ka-close.

"Kadarating mo lang din?" Tanong ko sa kanya habang nag lo-log in sa log book namin dito.

"Medyo." Walang gana niyang sagot. Aba, busy ang bff fries ko? Well.. Siguro naman alam niya kung bakit ko yun tinanong sa kanya.

"Nandiyan na si Ian. Nasa covered court ata." Dagdag pa niya. At nabuhayan naman ako ng dugo. Ang aga din ni boyfie, well what's new?

Dumaan naman ako sa likod niya at nakita kong naglalaro lang pala ng 'Shape Switcher' sa Friv.com si Mel. Hay nako napaka addict talaga! Batukan ko nga.

"Aray Babs!" Sabi niya sabay hawak sa batok niya. OA talaga! Para namang ang bigat bigat ng kamay ko.

"Mel. Umayos ka! Pumapasok ka ng maaga para mag encode ng school records. Hindi para maglaro dyan."

"Easy babs. Gagawin ko naman eh... Kapag na-game over!" Sabi niya at nag smirk. Napaka sipag talaga! Please note the sarcasm.

"Basta mag encode ka dyan ha. Bye babs!" Sabi ko at lumabas na ng SC Office. Pumunta na rin agad ako sa covered court.

Girl Of Your DreamsWhere stories live. Discover now