Chapter 3

14.6K 391 14
                                    

Nagtatrabaho ako bilang sales associate sa isang kilalang local brand ng damit simula nung pumasok ako sa UP. Limang taon na ako dito. Masaya ako dahil papasok na ulit ako. At least hindi nalang parati yung lalaking nakita ko sa football field ng UP at sa hardware store ang laman ng utak ko. Busy kami ngayon. Payday kase. Start na pati ng christmas season kaya hindi magkamayaw ang tao ngayon dito sa shop.

Masaya si Israel, ang boss ko. Dahil nakapasok ako sa trabaho. Ilang araw na kasi akong hindi pumapasok. Gawa ng hectic schedule sa school.

"Dom! Akala ko hindi ka makakapasok?"

"Medyo maluwag na schedule ko sa school, kaya pwede naman na ako pumasok. Sayang kase ang araw, pandagdag ko din 'to." Sabi ko.

"Masaya ako nakapasok ka na."

Giniya niya ako sa stock para mag audit ng mga bagong deliver na jeans. Hindi ko namalayan na focus na pala ako sa pagtatrabaho.

----

Nang makauwi ako sa bahay ni Tita, may naka park na itim na Audi sa tapat ng bahay. Kanino kaya to? Mukhang may bisita si Tita. Pagpasok ko, nadatnan ko si Sanji na may kainumang barkada.

"Hoy Dom! Halika nga dito, bilhan mo nga kami ng alak!" Utos ni Sanji. Parehas talaga sila ni Tita na palautos.

Nakita ko yung apat na kabarkada ni Sanji, yung dalawa mukhang dancer yung isa naman, ngayon ko lang nakita cute sana kaso mukhang masungit. Tahimik kasi. Naka headset at naka hood.

"Oh eto pala si Dom," sabi nung isang kabarkada ni Sanji. "Aba, jan ka rin pala nagtatrabaho sa Bench?"

Nakita niya siguro yung print sa uniform ko.

"Oo kuya." Sagot ko.

"Eto naman, wag mo na akong ikuya kuya. Para namang iba ka samen." Sabi niya.

Ngumiti ako. Medyo nahiya kase napansin ako. Hindi kase ako sanay na may pumapansin sa akin.

"Oi, talagang iba sa atin yang si Dom! Eh wala namang papel yan dito sa bahay! Ang tamad tamad! Dagdag palamunin lang siya ni Papa." sabat ni Sanji.

Sanay na ako sa mga banat sa akin ni Sanji. Hindi ko nalang siya pinapatulan. Sayang lang sa oras ko kung pati siya poproblemahin ko pa. Hindi ko nga alam kung bakit at ano ba ang kasalanan ko sa kanilang magkapatid.

"Grabe ka naman magsalita," nagulat ako dahil biglang nagsalita yung isang barkada nila na tatahitahimik at naka headset. "Buti nga yang si Dom, nag working student. Nag aaral sa umaga tapos sa gabi nagtatrabaho. Bat di mo kaya siya gayahin? Para may silbi naman yang katawan mong batugan!" Sabi nung isa nilang barkada na masungit.

Huh? Paano niya nalaman pangalan ko?

Nagulat ako sa sinabi niya kay Sanji. Si Sanji naman, halatang nabastos. "Anong sabe mo! Bawiin mo sinabe mo!" Nagalit si Sanji dun sa barkada niya.

"Oi, oi pre tama na yan! Nagpunta tayo dito kela Sanji para mag inom, hindi para mag away. Hoy! Edge, tama na yan! Wag mo nang patulan si Sanji." Saway nung isa nilang barkada.

"Gago kase yang si Edge, akala mo kung sino magsalita! Ang yabang!" Singhal ni Sanji.

"Hinay hinay ka sa pananalita mo sa pinsan mo Sanji. Hindi porket pinapaaral siya ng tatay ninyo, ginaganyan niyo siya. Buti nga si Dom, masipag mag aral at mag trabaho. Di tulad sayo, puro yabang lang!" Sabi nung Edge kay Sanji.

Bigla akong nahiya kase ako ang dahilan ng sagutan nung Edge at ni Sanji.

"Putangna! Ang yabang mo ha!" Tumayo si Sanji at nagtanggal ng damit. Halatang lasing na ito kase namumula na siya. "Ano sapakan nalang tayo!" Hamon ni Sanji. Para siyang naghahamon ng away kalye.

ZieWhere stories live. Discover now