Chapter 2

77 1 0
                                    

CHAPTER 2 : Getting to know each Other

<Gelay’s POV>

            Lumipas ang mga araw at linggo. Malapit na ang Prelims, pero parang High School lang. Happy – Go – Lucky lang ang tema. Sila Aira, Maureen, Leah, Loraine, Kristen, at Arjhell ang lagi kong kasama. And happy to say na nawala na ng tuluyan sa paningin ko si Greg dahil sa crush kong si Mikel Solis, ang gwapo niya kasi eh. Siya yung tipong tahimik, matangkad, kaso may pag – ka emo lang. naging stalker niya ko, lagi ko siyang trip na kuhanan ng picture. Pero nung nalaman ko na may girlfriend siya, laking OUCH pero makalipas lang ang ilang araw, nagbreak sila and believe it or not, naging CLOSE kami ng GIRLFRIEND NIYA. I mean ex – girlfriend. Naging magkaibigan din kami ni Mikel dahil kasabay ko siya laging umuwi kasama si Arjhell. Nakakatuwang isipin  na kung kailan naging magkaibigan kami, eh saktong wala na akong gusto sa kanya.

            Si Martin Villanueva, isang *toot* model. Estudyante ng CITHM. Crush ng Bayan. Ultimate Hearthrob. At masasabi kong FOREVER CRUSH ko siya. Oh well, syempre hindi kami close, Sino ba naman ako para kilalanin niya. Sa tuwing makikita ko siya, sobrang kinikilig ako. Tumitigil ang mundo ko (ang corny no), pero totoo. Sa gwapo niyang yun? Hay nako.

            Days have passed. Prelims is over. Midterm here we come. A week after ng prelims nagbigay ng activity ang professor  namin sa Filipino, tungkol sa exhibit ng mga pagkain. Napunta sa section namin ay Visayas. Pero syempre bago yun, Birthday ko muna. J

Birthday ko na. J

            Nagising ako ng masaya, pero feeling ko ordinaryong araw lang kahit birthday ko. First birthday ko kasi dito sa Cavite, kaya medyo hindi okay. Pagkadating na pagkadating ko sa tapat ng room namin, binati nila ako agad. Inaasar nila si John, dahil ayon sa mga narinig ko, maagang pumasok si John para batiin ako. Pero hindi naman niya ako binati agad. Lungkot na Lungkot ako dahil matatapos na ang araw, at hindi ko pa nakikita si Martin.

            Uwian na…

Maureen: Pupunta muna kami ni Arjhell sa Accounting ah. Wait lang.

 

Arjhell: Hoy yung paperbag ko ha!

            Nakaready na yung camera ko para magpapicture kay Martin kaso ayaw talagang magpakita sa akin eh.

Arjhell: GELAY! GELAY! GELAY!

 

I can wait forever :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon