Just a little honesty (One Shot)

2.6K 126 51
                                    

One Shot - Just a little honesty

     All I ask is just a little honesty....

"Kat! Grabe ikaw na talaga! Napaka-effort mo, swerte sa'yo ni Kit!" Pag-pupuri ni Hershey sa'kin.

Nginitian ko sya. "Mas swerte ako kay Kit no!" Pag kokontra ko.

Next week 2nd year anniversary na namin ni Kit kaya ngayon pa lang nag hahanda na ako. Sobra ko lang excited, hindi ako mapakali sana next week na. Sigurado ako matutuwa si Kit sa sopresa ko para sa kanya.

5 years ago nang maging close kami ni Kit, nung una hindi kahit mag kaklase kami wala hindi lang talaga kami nag papansinan. Hanggang sa dumating yung araw ng kuhanan ng schedule for 2nd sem. Di ko inaasahan na dahil dun magiging close kami.

Pareho kaming nakapila ni Kit nung araw na yun para kumuha ng schedule namin, dahil na rin sa tagal ng pag hihintay namin ay inapproach nya ako. Tanda ko pa yung kauna-unahan niyang sinabi o tinanong sa'kin. "Favorite mo ba kitkat?" Napangiti ako sa tanong niyang yun at kaagad naman siyang bumanat ng "Match tayo no? Kit and Kat! Kitkat! Pag pinagsama tayo sweet." Sobrang corny ni Kit nung araw na yun pero aaminin ko medyo kinilig ako dun.

Hiningi niya number ko dahil natutuwa daw sya sa'kin. Grabe no? Ginawa pa akong clown niya nung araw na yun. Lumipas ang araw, araw-araw o gabi gabi na kami mag katawagan o mag katext hanggang sa nag tapat syang gusto niya daw ako at gusto nya rin akong ligawan pero dahil old fashion ako, sinabi ko sa kanya na gusto ko mag paligaw sa bahay at magpakilala siya sa pamilya ko. Ginawa naman ni Kit lahat yun para makuha ang oo ko. Si Kit na ata ang pinaka maeffort na taong kilala ko kahit kami na parang nililigawan parin niya ako.

"Kat! Lika nga dito, tignan mo to! Grabe ang cute ni Kit!" Maligalig na sinabi ni Hershey.

Agad kong nilapitan si Hershey at tinignan yung picture na hawak niya. "Hala! Eto yung kauna-unahan namin picture ni Kit, huh! Awkward pa namin dito, hindi siya marunong mag-smile." Sabi ko.

"Wala ka pa daw kasi sa buhay niya." Pang-aasar ni Hershey.

Ang loko talaga ni Hershey pero infairness kinilig ako dun. 

"Nasaan nga ba si Kit ngayon? Hindi sya pumasok kanina."

"May pinuntahan sila ni Mommy eh." Mommy na kaagad ang tawag ko sa mommy ni Kit. Legal kasi kami sa parehong side. Ang sarap nga sa pakiramdam na hindi namin tinatago kung ano man meron kami. Nung una, parang gusto ko muna isecret 'tong relasyon namin pero hindi pumayag si Kit dahil daw ba't nya kailangan akong itago eh sobrang proud daw sya sa'kin. Oh diba? Ang sarap lang sa pakiramdam. Ang sarap lang maging magmahal ni Kit.

"Bilib na talaga ako sa inyo ni Kit grabe."

Napatingin naman ako kay Hershey. "Ba't hindi ka ba bilib kay Aero?" Boyfriend niya.

"Bilib naman pero iba talaga kayo ni Kit."

Ngumiti nalang ako.

Ang dami daming humahanga sa relasyon namin ni Kit. Nakakatuwa, nakakataba ng puso. Hindi naman din kami perpekto ni Kit, madalas rin kami nag-aaway kahit sa mga simpleng bagay lang pero sinisigurado naming dalawa na hindi matatapos ang araw na hindi kami nag kakaayos kaya siguro nag tagal din kami ng ganito. 

Minsan may isang malaking pag-aaway kami ni Kit. Nag-selos siya sa dating nanliligaw sa'kin, sa sobrang pag-seselos na yun niresbakan nya yung nanliligaw sa'kin dati na si Ferrero. Eto naman kasi si Ferrero sinabihan ko na tumigil na pero ayaw paawat at patuloy pa rin akong kinukulit ayan tuloy nasuntok siya ni Kit noon, sayang kgwapuhan niya... pero syempre mas gwapo pa din si Kit ko.

Just a little honestyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon